"Ano na ang nangyari sa'yo, Almira? Hindi mo na ba talaga maaakit ang pinsan ko? Hindi puwedeng walang mangyari sa mga plano natin dahil wala akong balak bumalik pa ng Ilocos." "Ano ang gagawin ko? Hindi na ako halos kinakausap ni Ethan dahil yung bagong empleyado na ang kinakausap niya ngayon. At bihira na siyang mamalagi sa opisina dahil hinahatid at sundo niya ang Marga na 'yon araw-araw." "Kailangan na nating makaisip ng ibang paraan." Wika ng kasintahan na tila nasa malalim na pag-iisip. "Iimbitahan ko siya sa birthday ko bukas at alam kong hindi iyon tatanggi. Ihanda mo ang sarili mo. Kapag lumagpas pa ang pagkakataong iyon nang hindi mo siya naakit ay hindi ko na alam." Kahit siya ay na-excite nang banggitin ni Benjie ang plano nito. Matagal na rin niyang hindi gaanong n

