Kanina pa siya paroo't parito sa silid kahit nakabihis na siya at dapat nang bumaba. Nasa hardin na ang lahat at ngayong gabi siya pormal na ipakikilala bilang anak ni Zane kay Haley. His Auntie Selena and Jayzee already knew, at kahit ang Daddy Ezekeil at Mommy Hannah niya'y naipaliwanag na ng mga ito kagabi sa mga anak. Pero ang humarap sa buong myembro ng pamilya ay nagpapahina ng tuhod niya. "Are you ready, son?" Narinig niyang tawag ng amang si Ezekeil at binuksan niya ang pinto ng silid para bumaba na. "You look tensed," pansin ng ama na tumigil sandali para titigan siya. "Ipapaalala ko lang sa ‘yo, anak pa rin kita at sa bahay ko pa rin ikaw uuwi." Tumango siya at sandaling niyakap ang ama. "Thank you for everything, Dad." Pagbaba nila'y agad siyang sinalubong ng aman

