Pagsakay ni Marga sa kotse ay isinandal muna ng katawan sa leather seat at huminga ng malalim. Ethan took all her energy away; from his being conceited and self-important, hanggang paghalik nito sa kanya ng dalawang beses. Kung halik bang matatawag iyong halos ipagduldulan na ang sarili nito para angkinin siya. If there's one thing that she was sure of, Ethan desires her. Napatunayan nya na iyon mula nang buyuhin niya ito sa party hanggang kaninang muntik nanaman silang madala sa damdamin. Kung siya ay sigurado sa nararamdaman sa binata, hindi niya tiyak kay Ethan dahil simula pa lang ay nilinaw na nito na wala itong gusto sa kanya. She was just taking her fat chance. Pinaandar niya ang kotse at agad bumalik ng opisina. She needed to work triple time to finish the design in two day

