"Hi, love!" Nagulat si Ethan nang pagpasok niya sa opisina'y naroon na si Marga at nakaupo sa receiving chair sa harap ng mesa niya. Tumaas ang kilay niya nang makita ang suot nitong mini skirt na lalong umiksi nang pinagkrus nito ang mga hita. In fairness, magaling itong magdala dahil naging mas kaakit-akit pa ito ngayon. At mula kagabi hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang temperatura niya kapag naiisip niya ito. Something that never happened to him in ages. Hindi siya kailanman naligalig ng babae kahit pa si Almira na siyang balak niyang seryosohin. "Anong ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong para itago ang excitement. Umupo siya sa mesa sa harap nito at lalo lang niyang napagmasdan ang maputi nitong hita. Napamura siya sarili. "Ganyan mo ba salubungin sa umaga ang girlfri

