Kinabukasan ay maaga siyang nagpunta sa Tagaytay gamit ang sariling sasakyan. Wala silang pinag-usapang oras ni Uncle Ezekeil at kahit si Ethan ay hindi niya kinausap tungkol dito. Alas nueve nang dumating siya sa hotel at hinanap kaagad si Vangie. Ibinigay naman nito ang susi ng magiging silid niya at pagkatapos ilagay ang gamit ay pinuntahan niya na ang site na ginawan nya ng plano. Mabuti ng pagdating nila Ethan ay ma-idiscuss niya ang ilang mga bagay. Maaari naman sigurong umuwi kahit mamayang gabi at hindi na kailangan pa ng dalawang araw. Ala una na ay wala pa ni anino ni Ethan o ni Uncle Ezekeil niya. Dahil sa puyat nang mga nagdaang gabi ay nagpasya siyang umidlip muna habang wala pa ang dalawa. Si Ethan ay agad umakyat sa silid na laging ginagamit kapag nasa Tagaytay siy

