Si Marga ay nagulat din sa desisyon ng Uncle Ezekeil niya at hindi rin nakaimik. Hindi rin nakaligtas ang matalim na tinging ipinukol ni Ethan bago ito tumalikod at lumayo sa kanila. Nang papuntahin siya rito ng ama ng binata ay malayo sa hinagap niya na ganito ang plano nito. "Vangie gave me the key to Ethan's room. Did you do it on purpose?" Tanong niya rito habang nanatili silang nakatayo. Si Auntie Hannah niya'y nakamasid lang din sa kanilang lahat. "Yes. At sa nakita ko kanina'y may namamagitan na sa inyo." Wala siyang naisagot dahil kapag naalala niya ang nadatnan nito kanina'y gusto niyang lumubog sa kahihiyan. "Sa gusto niyong mangyari ay tila pipikutin ko ang anak niyo. Hindi umaabot sa ganoon ang pinangarap ko. I want him to fall in love with me, not to force him in

