Maagang pumasok sa opisina si Ethan kinabukasan at nadatnan namang maaga din si Almira sa cubicle nito. Mula sa malayo ay nagawa niyang pagmasdan ang kabuuan nito; the usual blazer and eyeglasses, pagdating sa modernong kasuotan ay salat ito. Pero sa kabila niyon ay hindi maitatanggi ang kagandahan nito. He always admires her simplicity, na kahit yata lipstick ay tipid pa kung maglagay. Pero nakapagtatakang sa kabila ng pagkagusto niya rito'y hindi nito napupukaw ang dugo niya kahit pa noong nakaraang halos nahalikan niya na ito sa labi, while Marga can wake his senses just by smelling her perfume. Muling bumalik sa isip si Marga at desisyon ng amang si Ezekeil na ipakasal sila matapos ang nangyaring nawala siya sa katinuan. Nakapagtatakang kaninang umaga'y magaan ang pakiramdam niy

