Nanggagalaiti sa inis si Marga ng lumabas sa opisina ni Ethan. The nerve of him to insult her like that. Hindi naman siya ganun na kung kani-kanino nagpapahayag ng pagkagusto kung hindi sa kanya lang. Ewan ba kasi niya kung bakit hindi mawala ang pagkagusto niya kay Ethan. Ang hindi rin niya maintindihan ay ang init ng ulo ngayon ng binata na dati naman ay laging mahinahon kahit nakukulitan na sa kanya. Alam rin niyang pa-iba iba ito ng dini-date ngayon ayon sa mga kwento ni Zanya. But until he is settled down with someone ay wala siyang balak sukuan ito hanggang sa magustuhan siya ng binata. He can date anyone for now, kapag nakapagtapos siya ng kursong gusto niya ay sisiguraduhin niyang sila ang magkakatuluyan. She dreamed of becoming a licensed civil engineer at patutunayan niya

