Chapter 8

1057 Words

Halos hindi siya nakatulog magdamag mula nang malaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Alas sais ay lumabas na siya ng silid at nadatnan ang ama sa komedor na humihigop ng kape. "Hindi ka natulog, Ethan," tila pagalit na wika ng ama sa kanya. "Nanibago siguro, Dad. Isang bwan din ako sa Ilocos,"  pagdadahilan niya.  Kailangan niyang magpanggap na madali niyang natanggap ang katotohanan upang hindi mag-alala ang ama. "Balak kong magkaroon ng expansion sa Boracay at Baguio anak.  Will you look at the feasibility study later?" "Sure, Dad." Tumayo ang ama at lumapit sa kanya.  Tinapik siya nito sa balikat saka sandaling titigigan.  Itinuon niya ang mata sa pagkaing hinain ng katulong para iwasan ang tingin ng ama. "Welcome home, son.  I'm really glad you're back."  Tumango siya bago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD