Chapter 2

2038 Words
"Ms. Bartolome!" "Bwiset!" Agad akong napabalikwas at narinig kong may nagtatawanan. "Minumura mo ba ako Ms. Bartolome?!" Napamura ako ng mahina at napalingon sa paligid. Nagtatawanan 'yong mga classmates ko tapos nakita ko namang napahilamos sa mukha si Penelope. Patay, nakatulog na naman ako. "A-Ah, Mrs. b***t— I mean Mrs. Bunag!" At mas lalong silang naghiyawan. Nakita ko namang umuusok na ang ilong ni Mrs. Bunag, napakamot nalang ako sa batok ko. Almost 5 hours naman ang tulog ko kanina pero antok na antok pa rin ako. "Bastos ka! Kung hindi ka late, tulog ka naman!" Suway nito at hinampas pa ang libro sa mesa kaya napatahimik ang mga classmate kong natutuwa sa nakikita. "Get out!" sigaw pa nito at mabilis naman akong lumabas. Kapag minamalas ka nga naman oh! Agad naman akong tumungo sa cafeteria, doon muna ako tatambay hanggang matapos ang oras ni Mrs. Bura— Bunag pala. Ewan ko ba, lagi nalang ako namamali ng sabi sa apelyido niya kaya mainit ulo lagi sa 'kin non. First subject namin kasi ito, 7:30 am. Sinong hindi aantukin doon? 1:30 am na ako nakatulog tapos 5 am naman akong umalis ng apartment kasi traffic! Maaga nga akong pumapasok pero nakatutulugan ko naman mga professors namin. Lumipas ang isang oras at nakita kong papalapit sa akin si Penelope. May ilang oras kasi kaming vacant bago ang sunod na subject. "Aray ha!" daing ko. Bigla kasi akong batukan ni Penelope. Lagi na lang niya ako sinasaktan, kainis. Alam ko na ang susunod rito, magiging machine gun na siya. "Kung ako sayo, tigilan mo na iyang pagtatrabaho sa cafe! Apektado kaya itong pasok mo! Last semester na natin oh! Baka mamaya sumablay ka naman! Ewan ko na lang talaga!" mahabang sambit niya at naupo sa harap ko. 21 years old na kami at nasa last semester na rin kami sa kursong Business Management. Ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami. "Eh alam mo naman na kailangan ko 'to diba? At saka, ang arte no'n ni Ma'am, buti nga hindi ako late eh!" pagmamaktol ko pa sa harap ni Penelope. "Oo nga, hindi ka late, pero tulog ka! Tapos sinabihan mo pa siyang b***t!" sigaw niya at napansin kong nagtingingan yung mga estudyante sa amin. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at kakain na rin. "Bibig mo naman oy!" natatawa kong sambit at nakita ko na lang ang pag-irap ng mata niya. "Totoo naman kasi!" sabi niya. Kailangan ko kasi talaga ng pera kaya ako nagtatrabaho sa gabi. Mag-isa na lang kasi ako sa buhay at ako na rin ang gumagawa ng paraan para may pang-gastos ako sa mga dumaraang araw. "Alam mo ba, may kakilala 'yong mommy ko na naghahanap ng maid. Mas malaki sweldo at saka hindi nakakapagod tulad nung sa cafe mo." Nagliwanag naman ang mukha ko sa narinig. "Weh? Baka mamaya illegal yan ha!" Mahina naman siyang natawa. "Hindi naman ano! Trust me!" she assured me at nilabas 'yong tupperware na lagi niyang dala. Namilog naman ang mata ko sa nakita. "Anong ulam mo?" tanong ko at pinagdaop ang mga palad. "Para kang ano diyan! Huwag ka mag-alala! Pinadalhan ka din ni mommy ng ulam." Napanguso naman ako sa kilig dahil sa narinig at nilabas na niya yung para sa 'kin. "Papa-ampon na talaga ako kay tita! Love na love ako no'n!" sambit ko at niyakap pa 'yong tupperware na dala ni Penelope, natawa naman siya at inabot yung spoon and fork. "Ayaw kitang maging kapatid! Grabe ka matulog!" Sumimangot naman ako sa sinabi niya. Penelope Vera is my bestfriend for almost 11 years. Maliit pa lang kami ay magkakilala na kami. Malayong-malayo ang buhay ko kay Penelope, she's living a luxurious life at buo pa ang pamilya, taliwas sa buhay na meron ako ngayon. "Ayaw mo kasi sa amin tumira, doon ka na nga pinapatira ni mommy eh." Matamis naman niya akong nginitian. Oo nga pala, gusto ng mommy niya na sa kanila nalang ako tumira para safe raw ako, pero tinatanggihan ko dahil sobra akong nahihiya, sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin at ayaw ko naman maging pasakit. "Eh, alam mo naman diba, nahihiya ako!" Nagmake-face nalang siya kaya natawa na lang ako. "Light?" Naningkit naman ang mata ko nang marinig kong may nagsalita. Kinalabit naman ni Penelope yung kamay ko. Tumingin naman ako sa nagsalita. "Yow," maikli kong bati at bumalik sa pagkain ganoon din si Penelope. Bakit ba andito 'tong mga lalaki na 'to? "Light may sasabihin sana ako," sambit ni Tyron habang nakangiti. "Spill it." "Pwede ba ta—" "No." Hindi ko na siya pinatapos at sinagot ko agad. Nakita ko namang napanganga siya at 'yong dalawa niyang asungot na kasama. "Narinig mo ba siya? Kaya tsupi!" Pagtataboy ni Penelope at inirapan ang tatlo. Nakita ko naman ang pag-iiba ng aura ni Tyron. "Ang sungit mo! Akala ko ang ganda-ganda mo!" singhal niya na nagpa-init ng dugo ko. "What?!" bulalas ko. "Ang panget mo, gago! Layas!" Sigaw ni Penelope at tinulak pa si Tyron. Grabe naman 'to kung makalait! Kung hindi ako maganda bakit araw-araw nila akong kinukulit para lumabas? Mga siraulo. "Siraulo talaga 'yon," bulong ni Penelope at ngumuso pa. Nginitian ko naman siya. "Hayaan mo na sila, wala naman silang mahihita sa akin." "Ayan ang gusto ko sa iyo! Pihikan talaga! Hindi basta-basta tulad ng iba!" natutuwa niyang sabi. Hindi rin ako pumapayag sa mga pag-aaya nila dahil sayang ang oras ko. Kung pinasok ko nalang 'yan sa trabaho, edi nagkapera pa ako diba! "Ewan ko ba sa mga yan! Ayaw magsitigil!" Naiinis ko na sambit. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Alam ko naman kasing hindi sila seryoso. At saka masyadong magulo ang buhay ko, baka lalong gumulo kapag pinapasok ko pa sila. "Eh sa ganda mo ba naman! Sinong hindi mabibighani sayo diba? bulag na lang siguro!" natatawa niyang sabi. "Ang dami-dami naman diyan sa tabi eh," sambit ko pa. "Eh ayaw nila don sa iba, gusto nila sayo! Kaso ayaw mo nga at wala silang magagawa roon." "Ayoko talaga." Nakanguso kong sabi. "Oo na, oo na, kaya hindi rin kita pipilitin sa ganyan, pero kung magkaroon man ay talagang matutuwa ako! Baka isang araw gumawa ako ng party para sa iyo kung sakali." Ito yung gusto ko kay Penelope, napakasupportive na kaibigan kahit kalog minsan. Sana hindi siya magbago, natutuwa pa siya kapag may nasusungitan akong school mates namin na lalaking gusto lumapit sa akin at ayain ako lumabas. "I love you, pakiss nga," sabi ko at ngumuso pa. Akmang aakapin niya ako nang may lumapat na malamig na bagay sa labi ko. "What the?" agad ko itong kinuha at tinitigan. "Chocolate?" sambit ko nang makita kung ano iyon. "Malamang," sagot nung nagdikit sa labi ko. Agad akong napatingin sa baritong boses na nagsalita at ngumiti. "Epal ka Jade!" suway ni Penelope at tinitigan nang masama si Jade. "Kanino galing?" tanong ko at nilapag sa mesa yung box ng Ferrero Rocher. "Uy, penge ako ha!" At binuksan iyon ni Penelope, tiningnan ko ulit si Jade. "May nagpa-abot sa block namin. Ibigay ko raw sayo. Nahihiya eh," sagot niya at umupo sa tabi ko. "Grabe, iba ka talaga Light! Iba talaga kamandag mo!" "Ay ewan!" At tinuloy ko na ung kinakain ko. Ganito rin kami araw-araw kung may nagtatanong about sa date, meron ding nagbibigay ng pagkain sa akin or chocolates. Ewan ko ba sa kanila, nagsasayang lang sila ng pera kung binigay na lang nila sa akin! Edi maganda! "Baka naman sayo galing iyan Jade ha?" Tinaas baba pa ni Penelope ung kilay niya. Hinagis naman ni Jade 'yong tissue kay Penelope kaya natawa ako. "Hindi ako magsasayang ng pera para diyan no. At saka si Light? Over my hot body— aray ha!" daing niya nung binatukan ko siya. "Kapal mo! Akala mo kung sinong gwapo." Nakanguso kong sabi. Tinampal naman niya 'yong nguso ko kaya tinignan ko siya ng masama. Jade is also my best buddy. High School palang kami ay kilala na namin siya. He's the type of guy na sobrang ilap sa lahat maliban sa amin, syempre nakasanayan na din niya kami kasama. Masungit din ito! Kung awayin kami ni Penelope ay wagas, pero sobrang bait naman ni Jade, nakarinig naman ako ng shutter ng camera kaya napatingin ako kay Penelope. "Ginagawa mo?" tanong ni Jade at kumuha nung chocolate sabay subo. "Remembrance!" At tinago niya ung phone niya. "Siguro kung may love team tayo, Jade, for sure number one fan natin si Penelope," bulong ko kay Jade. "Anong klaseng fan? Electric fan?" he asked. Tumawa naman kaming dalawa. Ilang minuto matapos 'yong break namin ay agad kaming bumalik sa taas. Naramdaman kong may nagvibrate 'yong phone ko at tiningnan kung sino yung nagtext. Harrith: Papunta akong cr, paki-abangan ako. "Penelope, cr lang ako ha?" Paalam ko kay Penelope na inaayos yung kwarto niya sa larong Adorable Home. Tumango naman ito nang hindi nakatingin sa akin. Agad akong umakyat sa 7th floor dahil walang masyadong tao dito. Dito rin naman kami nagkikita ni Harith, na kasama ko sa team kung saan ako nagtatrabaho as an agent. Harrith is using his connections para makapasok sa campus namin at maibigay sa akin ang importanteng gamit kapag may darating ako na mission. Hindi kami masyadong nagkikita sa labas or sa mga public places dahil mahirap na. Gusto lang namin mag-ingat. Habang naglalakad papuntang cr ay napansin kong may naglalakad din papunta roon, pagkakita nito sa akin ay kumindat ito. "Asshole," mahinang bulong ko pagkalapit ko sa kanya, natawa naman siya at nag-flying kiss. Agad naman siyang may inabot sa akin at dumiretso agad siya sa CR ng boys. Ako din ay agad na pumasok sa cubicle. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may nagtext. Harrith: Pakitago muna, mauuna na ako labas, thank you, ingat! Napairap nalang ako at sinuksok ng maiigi sa likod ng pants ko 'yong inabot niya sa akin. Nakarinig ako ng tumikhim at signal 'yon para sabihing lumabas na sya. Lumipas ang ilang segundo at lumabas na din ako. "Ano? Nailabas mo ba lahat?" Natatawang tanong ni Penelope. Umupo naman ako sa upuan ko at kinuha yung bag ko. Patago kong nalagay dito yung inabot sa aking baril. Alam kong bawal 'to sa campus pero dahil nga may connections si Harith ay naipuslit niya 'to at maayos na naibigay sa akin. "Ewan ko sayo, umihi lang ako," sabi ko at nilabas nalang yung notes ko. "Naku makikita na naman natin yung kapatid ni Mrs. b***t" bulong ni Penelope at natawa ako. "Gaga ka! Sumbong kita!" Pang-aasar ko at nagtawanan nalang kaming dalawa. **** "Ilaw, pakihatid naman ito sa table 6." Agad kong kinuha 'yong tray na may lamang Bueberry Cheesecake at Black Coffee. Blueberry Cheesecake at Black Coffee? Parang pamilyar 'yong order na 'to. Nakarating naman ako sa table 6, at nilapag yung order. "Here's your order sir." Agad naman akong napatitig sa lalaki nang maalala ko kung sino ito. Siya 'yong kahapon! Iyong kasama nung lalaki. Iyong sinasabi ng kasamahan ko na loyal customer! "Done checking me out?" Nataranta naman ako nang marinig ko 'yong baritono niyang boses. "Huh? Sir, hindi pa po! I mean, hindi ko po ikaw tinititigan." Agad naman akong napayuko dito. "S-Sige po, e-enjoy sa food sir." At tumalikod na ako. Oh god! Bakit ako nauutal? Pinunasan ko naman ang noo ko nung maramdaman kong may tumulong pawis dito. Hala! Ano ba iyon? "Oh bakit tumatakbo ka?" tanong ni Camille sa akin pagbalik ko sa pwesto ko. "Ah? Ano, wala lang!" maikling sagot ko at napatingin sa aircon. Parang uminit bigla? Agad naman akong napanakaw ng tingin doon sa lalaki. Napansin kong sumusubo na ito ng cake at napalunok naman ako. What the hell? Nasampal ko ng mahina yung pisngi ko. Bakit ganyan ka kumain, sir? Ang gwapo! He's wearing a black polo shirt na kitang-kita ang hubog ng katawan neto at isama pa yung shades niyang suot. Nakablack pants din ito at sperry na brown. Kahit nakatagilid ito bakit ang gwapo? Baliw ka, Light! Kelan pa ako naging interesado sa lalaki? "Ang init!" At uminom ako ng tubig na nasa counter, napansin ko naman na napatingin sa akin si Camille na parang nagtatanong. Nginitian ko na lang siya. Ang landi mo Light!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD