Chapter 3

2000 Words
Light's POV "Light iha, maganda ang alok na ito at ikaw ang una kong naisip dahil mas kakailanganin mo ito, saka hindi ka magsisisi. Hindi ito mahirap," Tita Amanda said. Andito ako ngayon sa bahay nila Penelope dahil sa alok nga trabaho ni Tita na galing sa kaibigan niya. Tinawagan ako ni Tita para ayain na kumain at mag-usap na rin. Penelope is not here dahil isinama siya ng daddy niya sa isang company meeting para makapag-observe at masanay na rin. "Hay naku, tita! Mukhang kayang-kaya ko naman iyon!" Pagmamayabang ko dahil totoo naman. Sa murang edad, nasanay ako sa kung anong klase ng trabaho. Maagang nabugbog ang katawan ko. Ilang trabaho na din ang napasok ko waitress, janitor, cashier, house- keeper at kung anu-ano pa! "Alam ko rin kasi na hindi ka mahihirapan dito kahit na katulong ka." Tumango-tango naman ako. Tita Amanda wants the best for me kahit na hindi niya ako kadugo, kaya I trust her talaga. Itinuring niya na rin akong parang tunay na anak. "Eh, kelan daw po ba ako magsisimula?" tanong ko naman. Mabuti nalang talaga at mabait ang boss ko café dahil pinayagan ako na 3-4 hours nalang ang pasok ko sa kanya, at per hour nalang din ang bayad. Ayoko din naman kasing umalis doon. Nagtagal na rin ako roon at napamahal na sa akin ang café na iyon. "Maureem said na she will just text next week. So, by next week na rin siguro ang simula mo sa anak niya." "Maraming salamat po talaga tita! Love na love ko po kayo!" buong pusong sabi ko. Dinamba ko naman ito at niyakap naman ako nito pabalik. "Hulog po talaga kayo ng langit," dagdag ko pa. Natawa naman si Tita at ginulo pa ang buhok ko. "Ikaw kasi ayaw mo naman tanggapin 'yong gusto kong dito ka na tumira sa amin at saka ayos nga iyon kay Tito mo para magkasama kayo ni Penelope." Ngumiti naman ako. "Tita maraming salamat po talaga, kaya ko naman po ang sarili ko, at saka po sobrang nahihiya ako sa inyo, siguro po lilipat na lang ako kapag walang-wala na ako," biro ko at hinaplos naman ni Tita ang braso ko. "Basta andito lang kami ha, alam mo iyan." Tumango naman ako at ngumiti ng matamis. Nayakap ko pa ulit bigla si Tita dahil sa tuwa. Kahit mag-isa na lang ako, andito naman sila Penelope at ang pamilya niya hindi nila ako pinabayaan. Nagtagal pa ako ng isang oras kela Tita bago ako nagpaalam para umalis na. Sabado kasi ngayon kaya wala kaming pasok, wala rin akong pasok kapag sabado at linggo kaya kailangan ko din makahanap ng iba pang work para maging productive ang bawat araw ko. **** "Light! Buksan mo ito!" Napairap na lang ako nang marinig ko ang boses ng aking landlady. "Eto na naman po tayo!" At kinuha ko 'yong pambayad ko ng upa sa cabinet. "Light naman!" "Sandali lang naman po!" sigaw ko pero mahina yung dulo baka paalisin ako eh! "Tatlong b—" Hindi ko na siya pinatapos at inabot sa kanya ang bayad. Nagliwanag naman ang mga mata ni Aling Merdi at binilang ang pera sa harapan ko rin mismo. "Aba pangtatlong buwan ito ha!" masaya niyang sambit. "Malamang! Tatlong buwan akong di nakabayad e— aray naman!" sigaw ko ng kurutin ako nito sa tagiliran. Nakakaloka naman itong landlady ko! "Aga-aga ang sungit mo!" Diyos ko po. Eh, ang aga-aga kasi tapos naniningil ka e! "Ewan ko sayo Aling Merdi, tsupi na at nagbebeauty rest ako! Panira ka naman ng umaga!" Tinulak kopa si Aling Merdi at sinara ang pinto. Nakasimangot naman akong bumalik sa higaan ko at binuksan 'yong maliit na drawer doon. Agad kong binilang 'yong natabi kong pera doon "5K nalang?!" Napapadyak na lang ako sa inis dahil nabawasan na naman 'yong ipon ko. Ambagan pa naman namin sa dalawang thesis namin! Tapos ilaw, tubig pa! Ang daming gastusin!Nakarinig naman ako ng malalakas na katok sa pintuan ko kaya naalarma ako. Sino na naman ang kakatok ng ganitong kaaga? "Sino iyan?" tanong ko pero walang sumagot. "Sino nga iyan?!" Aba wala pa rin! At mas lalong lumakas 'yong mga katok dito. Agad akong may hinablot sa drawer ko at pinasok sa likod ng shorts ko. "Sino ba iyan!?" Ulit ko nung mawala 'yong katok sa pinto. Binuksan ko 'yong pintuan at walang tao ang tumambad sa akin. Luminga-linga pa ako pero wala talagang tao. Akmang isasara ko 'yong pinto nang may makita ako sa sahig. Agad ko itong kinuha. Itsura pa lang ng sobre ay alam ko na ito. "Uy blessings!" Natatawa kong sabi at sinara ang pinto at ni-lock. Tinignan ko 'yong laman ng sobre at namilog ang mga mata ko sa kapal no'n. "Oh my gosh!" At hinalik-halikan ko pa 'yong sobre. Hindi ko na nagawang bilangin iyon dahil sa sobrang dami. Agad ko ring kinuha yung phone ko at nagtipa I love you, thank you, see you soonest! At sinend ko na iyon. Bigla namang nagring 'yong phone ko. Ang bilis! Halatang bantay na bantay sa akin! "You're welcome, basta alam mo na," bungad nito. "Aye aye! Ngayon na din ba iyon?" "Yes, mamayang gabi and sa Villains din iyon. I will just send to you the photo of that man." "Okay, bye!" simpleng sabi ko at pinatay ang tawag. Agad kong niready 'yong susuotin ko mamayang gabi. Black fitted dress tapos denim jacket at black boots. Inayos ko na rin 'yong kailangan dalhin. I still have some errands to do later. Kailangan ko magbanat ng buto dahil mukhang mapapalaban ako. **** "M-Mama." Iyak ko at sumandal sa pader sa likod ng bahay namin. Napatingin ako sa sugat ko sa tuhod dahil sa pagkakadapa kanina habang hinahabol 'yong kotse nila. "A-Akala ko ba isasama n-niyo ako," bulong ko pa habang umiiyak. At humigpit 'yong hawak ko sa sobrang iniwan nila sa akin. Pumasok ako ng bahay nang maramdaman kong umaambon. Inihagis ko sa sahig 'yong sobre, at pinagtatapon 'yong mga nakikita kong gamit. Ang sakit ng puso ko. Sobrang sakit. Sabi nila isasama nila ako pero bakit iniwan na naman nila ako bigla? 11 years old ako nung iwan nila ako, babalikan daw nila ako after 2 years pero walang nangyari. Lumipas yung apat na taon at 15 years old na ako. Bumalik nga sila pero para sabihin na 'Sorry' at binigyan lang ako ng sobre. "Sorry, Ian, pero hindi ka namin pwede isama!" Mama said at tinutulak ako. Lumakas ang iyak ko at pilit na humihigpit ang kapit ko sa kamay niya. "N-No! No!" Iyon nalang ang nasasabi ko dahil grabe ang iyak ko. Gusto ko silang sigawan, murahin, pagalitan pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magreklamo! "You're not belong to our f-family! Let go of my mom!" Bigla akong sinabunutan nung babaeng kasing edad ko lang. Napasubsob naman ako sa lapag. "H-Huwag po," tanging sambit ko at pinagmasdan sila na pumasok sa kotse. Tumayo ako at hinabol ito pero dahil ang bilis ng takbo nila, nadapa na lang ako sa sahig at umiyak. They also told me na kukunin na ng bangko itong bahay kaya nag-iwan na lang sila sa akin ng pera para magsimula. After ko umiyak ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumama sa bintana sa kwarto ko. Ilang minuto din akong nakatulala, gusto ko pang umiyak pero walang luha ang lumalabas sa mga mata ko. Napag-isipan ko na ayusin ang mga gamit ko. Kinuha ko 'yong bagpack ko at nilagay ang mahahalagang gamit. Damit, Pera, Birth Certificate, Id sa school, at iba pa. Napatingin naman ako sa picture frame na nakalagay sa side table ng kama ko. Kinuha ko iyon at inihagis sa pader lahat hanggang sa masira. Kailangan ko umalis dito agad dahil panigurado ay dadating ang kapatid ni Mama at baka kunin ako. Ayokong sumama sa kanila. Pinagmasdan ko 'yong bahay na pinagtirhan ko simula nung iwan nila ako. Dapat lang na mawala ito. Parang may demonyong sumanib sa akin nung mga oras na iyon dahil nakaisip ako ng gusto kong gawin na tiyak hindi normal. Kinuha ko 'yong gas doon sa storage room namin at kinalat sa first floor ng bahay. Agad kong kinuha 'yong lighter at inihagis iyon doon. Sa likod ako ng bahay lumabas para walang makakita sa akin. Natanaw ko sa malayo na nilalamon na ng apoy ang bahay na iyon at nakitang natataranta ang ibang kapitbahay. Agad akong napangisi. Para akong nabunutan ng kung anong tinik sa dibdib pero ramdam ko pa rin ang lungkot doon. Kasabay ng paglamon ng apoy sa bahay na iyon ay ang paglimot ko sa mga mapapait na alaala no'n. **** "H-Huwag m-magsasalita a-ako!" Narinig kong sabi nung lalaking sinasakal ko. Mas diniinan ko pang pagkakasakal dito sa sobrang gigil ko. Ramdam ko rin ang bilis ng paghinga ko. Wala na siyang lakas na pigilan ako dahil sa pagkakasaksak ko rito ng ilang beses. "Bilis nagmamadali ako." At medyo niluwangan ang pagkakasakal ko. "Pakibi— f**k!" Napamura ako nang sipain ako nito sa tiyan. Tumalsik ako sa lapag at nahawakan ko 'yong mga bubog sa sahig. Marami kasing nabasag kanina na bote at plato. "Matigas ka ha!" sigaw niya. Napansin kong hahampasin ako nito ng baseball bat pero nailagan ko iyon at hinila ang binti niya para mapahiga siya. Agad akong bumangon para tapakan siya at tinutok 'yong baril ko sa kanya. "Isa! Tutuluyan talaga kita!" Nanggagalaiti ko na sigaw at bumakas ang takot dito. "O-Oo na! Oo na!" mabilis niyang sambit. "B-Bukas! 10PM s-sa Olivares P-Port." Pero hindi ako kumbinsado sa sinabi niya kaya diniinan ko ang pagkakatapak sa kanya. "N-Nasa p-phone k-ko para maniwala k-ka." Kinuha ko sa bulsa niya 'yong phone niya at tinanong ang pincode. 1010. Nang mabuksan ko ito ay sinipa ko siya. Napaubo naman ito. Agad kong mabilis na binusisi ang laman ng phone niya. Hindi ito pwede mabuhay, magsasalita ito. Tapos ang lahat na plano namin. Baka ako pa ang mayari. "P-Please," bulong nito at umiiling ako. Hindi ako nakinig sa mga pagmamakaawa niya. Agad ko itong pinaputukan ng dalawang beses. Kitang kita ko pa ang pag-agos ng dugo sa kanyang ulo. Nang mapansin kong wala na itong buhay ay napainat ako ng katawan. Nakaramdam ako sa sakit. Sa laki ba namang tao nito. "Sumakit katawan ko sa iyo ha," bulong ko at inayos ang sarili ko. Nilagay ko sa jacket ko 'yong phone niya at 'yong baril ko. Kinuha ko naman 'yong tumalsik na Imperial Wakizashi ko at binaon iyon sa dibdib niya. "Remembrance," nakangising sabi ko at diniin pa iyon. Lumabas na ako ng kwarto at tinignan 'yong cctv doon. Walang ilaw, it means nakapower off. Buti na lang nagawan ng paraan kung hindi lagot ako hahaha. Agad akong tumakbo sa parking lot at pumasok sa isang kotse bumusina sa akin. "Success?" tanong nito at ngumisi. Napatango naman ako at inabot sa kanya 'yong phone nung lalaki. "Passcode 1010, Bukas daw ng gabi 10pm sa Olivares port," sabi ko at sumandal sa upuan. "You okay?" tanong niya at inabutan ako ng bottled water. "Sumakit anf katawan ko, ang lakas sumipa eh!" Natatawa kong sabi at uminom. "Alam mo naman sila mga well-trained." Kibit-balikat niyang sambit. Well trained? Eh, natalo sakin? "Napatay ko nga, well-trained na ba iyon?" Natawa naman ito ang umiling. "Dinaan mo sa dahas kaya," aniya at kinindatan pa ako. "Ganoon talaga," ani ko at pumikit. Masyadong nabugbog ata ang katawan ko. Sa laki ba namang tao na iyon e. "Let's go, you need a rest," bulong niya at hinalikan ako sa ulo at isinandal akong muli. Binaba niya 'yong upuan ko para makahiga ako ng maayos. "Masyado mo kasing ginalingan," dagdag pa nito. "Whatever," sabi ko. I heard him let out a sexy chuckle at ramdam kong hinawakan niya ang kamay kong may sugat. "Just kidding. I'll clean your wounds, sleep well my Ian. Ako na bahala sa iyo." Narinig kong bulong niya bago pa ako lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD