Chapter 4

1915 Words
Light's POV "Oh, andito na pala si Light," sabi ni Tita nang makita akong papalapit sa kanila. Andito kami sa café ngayon at kikitain kasi namin 'yong kumare niyang naghahanap ng maid. "Hello po tita!" masayang sambit ko at bumeso ako sa kanya. Napatingin naman ako sa magandang babaeng kaharap ni Tita. Kaedaran lang din yata ni Tita ito pero sobrang ganda! Ageless beauty sila kumbaga! "H-Hello po!" bati ko roon sa babae at yumuko ng kaunti. Ngumiti naman ito sa akin at nakipagkamay. "So, you must be Light?" she asked. Ah! Pati boses sobrang soft! Mabilis naman akong tumango. "Your name is so beautiful!" she added. "Maganda rin po kasi ako," sagot ko na ikanatawa nilang dalawa. "Nako! Habulin ng lalaki itong si Light sa Campus nila Mau! Ang kaso pihikan! Ayon lahat sila walang mapala!" "Nako, tita, wag ka maingay," biro ko. "Ay naku, wag ka na mahiya! At saka bestfriend ko iyang si Maureem parang kayo lang din ni Penelope nung kabataan namin." "Oo at saka maganda ka naman talaga! Huwag ka mahiya," ani ni Ma'am Maureem. Napatango nalang ako sa bestfriend ni Tita. Maureem pala pangalan niya. Maganda rin. "Ay hindi naman po." At yumuko pa ako. "Pero may naging boyfriend ka na?" tanong ni Tita Maureem. Maka tita naman ako, feeling close lang ang peg. "Ay w-wala pa po," diretsa kong sagot. Wala pa naman talaga. Dahil masyado akong busy sa buhay! At ayoko pa! "Sa gandang mo iyan?" Tumngo naman ako. "Sabi ko kasi sa iyo mare e!" "Oo nga pala, ikaw pala ang nireto sa akin nitong si Amanda, okay na ba sayo?" tanong nito. Tumango naman ako. "Okay na okay po sa akin!" masayang sabi ko. "Kahit after class ka na lang pumunta roon sa condo tapos umalis ka na lang kapag school hours mo na, kailangan ko lang kasi ng kasama ng anak ko." Kumunot naman ang noo ko. "Baby pa po ba 'yong anak mo?" Nagulat ako nung bigla silang nagtawanan. Bakit? Diba mas binabantayan ang mga baby or bata? "Matanda na 'yong anak ni Maureem, Light, actually mas matanda sayo ng 4 years I think." Tita Amanda said. Napatango na lang ako. "He's turning 26 and naghahanap lang ako ng pwede niyang kasama sa bahay, my son is..... blind." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. "B-Bulag po?" Tumango naman si Ma'am Maureem at Tita. "Yes, car accident, five years ago." Tita Amanda said. Five years ago? Ang tagal na pala! Eh diba mayroon naman 'yong donor? "Diba po pwede pa siyang makakita?" tanong ko. "Yes, pero sobrang mahirap makahanap ng donor at saka ayaw ng anak ko na magpaopera muna." Napatango nalang ako. "But don't worry hindi magiging pabigat 'yong anak ko, actually he can do everything kahit bulag siya. I just want someone na titingin sa kanya just to make sure na he's safe. For his safety lang din sana at sa tutulong sa kanya sa ibang gawin sa condo niya." Ramdam ko ang lungkot sa boses nito. Halatang nalulungkot talaga siya sa lagay ng anak niya. "Ay naku! Easy lang po iyan sa akin! Ako pa!" Pagpapagaan ko sa atmosphere at natawa naman sila. Napagkasunduan namin na hangga't may free time ako ay pupunta ako sa condo nung anak niya at aalis na lang ako if ever na may gagawin ako or papasok sa school. "Light, mauuna na kami, ha? Sigurado ka bang hindi ka na sasabay sa amin?" sambit ni Tita. Umiling naman ako. Tita Amanda just hugged me. "Thank you sa pagpayag Light, aasahan kita at saka just call me Tita na lang din," masayang sabi ni Maam Maureem at niyakap ako. "Sige po, Thank you din po!" sambit ko sa kanya. After no'n ay agad din silang umalis. Binigay na rin ni Tita Maureem 'yong address ng condo at sabi niya puntahan ko na lang daw after ng shift ko sa café. Na-inform na rin naman niya daw 'yong anak niya kaya dumiretso na lang daw ako roon. "Good evening, maam! Welcome to Adriatico Suites!" bati sa akin nung guard at ginaya pa ako gamit 'yong kamay niya. Lumapit naman ako receptionist. "Good evening maam? Saan po tayo?" Tinignan ko naman 'yong tinype ni Tita Maureem sa phone ko kanina. "M-Matteo Gunner, 26th floor." At ngumiti ako roon sa babae. Tinitigan naman ako nito na parang nagtataka kaya sumimangot ako. "Right wing po, maam, then may elevator po roon." Tumango naman ako at dumiretso sa sinabi niya. Agad naman akong pumasok sa loob. "What floor, miss?" tanong nung attendant. "26th floor." Tinignan naman ako nung babae at pinindot 'yong 26. 26? Diba floor ni Matteo iyon? Oo nga, baka namali lang siya? Tinignan ko naman 'yong phone ko ulit at tama naman ako. 26th floor. Problema nitong mga ito? Anong meron sa 26? Nakita ko pang tiningnan ako nung babae at pinasadahan ang suot ko. I'm just wearing my black pants tsaka polo shirt ko doon sa café. "26th floor." Narinig kong sabi doon sa speaker. Agad naman akong lumabas at nakita kong sumilip pa yung dalawang babae at attendant. "Mga baliw," sambit ko at tumingin sa paligid. Nakita kong puro walls at isa lang ang hallway. Nilakad ko 'yong hallway at namangha nang makarating sa isang malaking space na may pinto sa gitna. Sa gilid din may pinto pero nakalagay fire exit. What? Don't tell me siya lang ang nakatira sa floor na ito? Napalingon naman ako ulit sa paligid. Wala naman talaga ibang unit ata dito. Kundi ito lang. Pintuan niya lang kasi ang nakita ko talaga. Napatingin naman ako sa number sa pinto. 2601. "Eto nga iyon." "Tao po!" medyo malakas na sambit ko. "Tao p— ay s**t!" Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas nang malaki 'yong pintuan. Tumambad sakin 'yong magandang sala ng unit. Pumasok na ako dahil bukas naman. Nagulat ako nang may matapakan akong kung ano. Canned beer? Pupulutin ko sana ito ng may maramdaman akong tumama sa noo ko. "Aray!" daing ko. "Who are you?!" May baritonong boses naman akong narinig. Napahawak naman ako sa noo ko at naramdaman kong may basa doon. Dugo? "Answer m—" "Bakit ka ba nanghahagis?! f**k! dumugo pa ang noo ko!" maktol ko. Hagisan ba naman ako ng lata ng beer. Edi 'yong matulis doon tumama sa noo ko. Badtrip naman! Napatingin naman ako sa lalaki. "Ikaw?!" Siya 'yong sa cafe. Ano? Anong ginagawa niya dito? Don't tell me siya rin iyong anak ni Tita Maureem? "W-What? Ikaw ba 'yong sinasabi ni mom? Bakit ka nakapasok nakalock iyang pinto ha?" Tuloy-tuloy niyang sabi at naglakad papalapit sa pinto at sinarado iyon. Namangha naman ako dahil parang hindi siya bulag kung kumilos Napa-aww naman ako nang haplusin ko ulit 'yong noo ko. Kinuha ko 'yong panyo ko at pinunas doon. Kainis naman itong lalaki na ito. "Duh, Mister. Kaya nga ako nakapasok kasi nakabukas ang pintuan mo! at saka bakit hindj ka kasi nagsasara? Mamaya pasukin ka ng masasamang loob dito!" Tuloy-tuloy kong sabi. Umupo naman ito sa sofa na andoon. "Okay. Are you Light?" tanong niya. Aba matindi! Ganoon lang? Ang hapdi talaga ng noo ko. "Iba ka rin eh, 'no? Baka naman gusto mo akong pahiramin ng betadine at bulak? Dumugo tuloy itong noo ko dahil sa pagbato mo!" "What? It's not my fault! Bigla-bigla ka kasing pumapasok!" Aba, napakayabang! Sarap ihagis pabalik sa kanya itong binato niya. "Again, are you light?" Mahinahong tanong nito. Napalunok naman ako sa gwapo ng boses nito. "Aah, oo," alanganin kong sagot. "Surname, please?" Bakit ng husky ng boses niya?! "B-Bartolome." "Why are you stuttering? Are you okay?" At dumekwatro pa nga siya. Hindi! Hindi ako okay! Help! Sa itsura niya ngayon para akong mauubusan ng hininga! Sa tanang buhay ko, parang ngayon lang ako nakaappreciate ng isang lalaki! Kung andito lang si Penelope ay baka nasipa na ako no'n. "Pahiram naman po ng betadine. Ang sakit na kasi mg noo ko." "Why?" Aba! Nagtanong pa! "Malamang! Nambato ka kaya!" Nanayo naman 'yong balahibo ko nung tumawa ito. Mahabaging langit! Para akong napuntang cloud nine nang marinig ko 'yong tawa niya. "Did mom told you about my condition?" "Oo naman," mahina kong sagot. Tumango naman ito at napansin mo ang paghinga niya ng malalim. Umupo naman ako sa isang sofa doon dahil kanina pa ako nakatayo! "Tell me about yourself," he commanded. Napatingin naman ako rito. "Huh?" "Tss, bingi. I said tell me about yourself. I need to know you more. Baka mamaya ay sindikato ka pala." Napagkamalan pa ako. Parang gusto ko siyang kaltukan sa naririnig mula sa kanya. "Iba ka rin talaga!" Nanggigigil ko na sabi at pinagkrus ang mga braso ko. "May binubulong ka?" "Wala!" Napatingin naman ako rito. He's wearing a jogger pants, nakablack tshirt naman ito at nakashades. Gabi na nakashades pa?! "Go on, tell me." I let out a heavy sigh. "A-Ano, I'm Light B-Bartolome, 21 years old, Graduating student, BS Office Management naman 'yong course ko." "Still young, huh." He said in a flat tone. Napairap naman ako. "Maganda at habulin," natatawang dagdag ko. "Habulin?" "Habulin ng mga aso." Bigla itong tumawa. Gagi bakit ang gwapo talaga ng boses! "Too bad, I can't see your beauty," mahinang sabi niya pero narinig ko naman. "Joke lang po, panget ako kaya habulin ng mga aso." Natawa ulit ito. "Okay. What else?" "Naging waiter, janitress, driver, encoder ako, at marami pang iba!" "Workaholic, eh?" "Kailangan ko lang talaga kaya ganoon." Tumango tango naman ito. Napaikot naman 'yong mata ko sa unit niya. "Ikaw lang mag-isa rito?" Kasi sobrang laki talaga nito. "Nope, I'm with my baby." Sambit naman nito. May baby na pala. Girlfriend? Sayang. Nako, ano ba itong sinasabi ko! "How do you know my mom?" tanong niya. "Kaibigan siya ni Tita Amanda, 'yong mommy ng bestfriend ko." "Penelope Vera?" he asked. "Yes. Kilala mo siya? Magkaibigan ba kayo?" I asked him. "I know her, we're just casual to each other. Sobrang tagal na ng last na kita ko sa kanya. It's been years, I think." "By the way, nasa may kusina 'yong first aid kit ko, nasa may cabinet doon hanapin mo na lang. Feel free to roam around so you can be familiar with my unit. I'll just go to my room. If you'll leave, please lock the door. Kung babalik ka, siguro naman binigay na ni mom iyong passcode ng unit ko. And please wag mo ibibigay kahit kanino." Sunod-sunod niyang sabi at umakyat sa hagdan. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Binigay ng mommy 'yong yung passcode? Kinuha ko naman ang phone ko at meron ngang nakalagay Code: 1201 "Small world, huh," bulong ko. Eh, siya rin pala 'yong customer namin sa café. Inikot ko 'yong condo niya. Sobrang laki talaga tapos very manly pa 'yong interior design. May second floor pa! Tapos meron pang malaking glass window doon na tanaw 'yong buong city. "Grabe ang ganda!" mangha kong sabi at tumitig pa roon. Napahikab naman ako nang makaramdam ako ng antok. Aalis muna siguro ako. Tapos babalik na lang ako kapag sa umaga. Sobrang lapit lang naman nitong condo niya sa Campus namin, kaya madadaanan ko pa talaga. Bago ako umalis ay pinulot ko muna 'yong mga latang nakakalat sa sahig at tinapon iyon sa trash bin. Inayos ko na rin 'yong sala niya dahil medyo nakakalat 'yong mga unan. Halatang nag-inom pa siya ng kaunti. Hindi ba marunong maglinis 'yong baby neto? Aba, buhay prinsipe! Napailing na lang ako. Mga mayayaman nga naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD