Light's POV
Nakarinig agad ako ng tahol pagkapasok ko ng unit ni Boss. It's been one week simula nung magtrabaho ako sa kanya. So far, so good. Walang problema at maganda pala talaga— I mean hindi mabigat ang trabaho sa kanya.
Tama nga 'yong sabi ni Tita na hindi ako mahihirapan. Paano ba naman kasi, ang gagawin ko lang, pupunta dito ng maaga kasi gagawan siya ng kape or pagluluto ng agahan kung gusto niya. May ipapabili siya sa akin sa labas or sa grocery. Gagawan siya ng dinner, naghuhugas tapos naglilinis. Laundry. Minsan siya naman kasi ang may gusto gumawa no'n kaya hindi ko nagagawa. Hindi naman ako nahirapan kasi mag-isa lang naman siya dito konti lang ang kalat.
Narinig ko naman ang tahol ni Bruno pagkapasok ko ng unit ni boss.
"Hi Bruno!" malambing kong sambit at niyakap ko ito.
Ang lambot-lambot! Itong aso na ito nung una, grabe ang takot ko! Akala ko kasi kakagatin na ako! Sa laki ba naman niya taposs pumatong siya sa akin bigla. Dinamba ako. Grabe
'yong kaba ko that time. Napatitig naman ako sa mata ni Bruno, ang ganda kasi blue pa!
"Diyan ka na muna ha? Magluluto lang ako!" Itinuro ko pa sa kanya ang hintuturo. Ibinaba ko na muna ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina.
Naramdaman ko na lang ang pagsunod sa akin ni Bruno. Lagi rin nakasunod itong aso sa akin. Kahit naturuan na ako kung paano ito paupuin, ayaw pa rin sumunod sa akin minsa. Laging nakabuntot!
"Kumain ka na ba bruno?" tanong ko rito na para bang magsasaliya para sagutin ako. Tumahol lang ito. Kinuha ko sa cabinet 'yong dog food niya at nilagay 'yon sa lagayan niya. Agad naman itong kumain. Inihanda ko rin ang inuman niya at nilagay sa tabi.
Nagprito na lang ako ng bacon, egg at saka naghiwa ako ng tomato. Gusto kasi ni boss na laging may kamatis. Kaya siguro ang ganda ng kutis no'n.
Tapos ang gwapo-gwapo pa! First time ko ngang makita 'yong buong pagmumukha no'n nung unang meet ko kay Bruno. Eh, wala naman kasi siyang suot na shades no'n.
Bakit pa kasi siya magsusuot ng shade, ang gwapo naman niya! Ang ganda pa ng mata parang hindi bulag! Gwapong bulag. Napatawa na lang ako sa naisip.
"Why are you laughing?" napamura ako ng mahina nang marinig ko ung boses ni sir.
He's wearing a shades.
"Good Morning boss, si Bruno kasi e!" Pagsisinungaling ko. Narinig ko namang tumahol si Bruno.
Kain ka lang diyan Bruno.
"Why?"
Lumapit naman ako kay sir at iginaya siya sa mesa. Ang bango naman kahit bagong gising!
"Baka maubos ako niyan kakaamoy mo." Napakamot nalang ako sa batok. Naramdaman niya pa yon.
"Kain ka na sir!"
Paalala ko sa kanya. Nakita ko namang kumain na ito. Pumapak naman ako ng hotdog na sinabay ko sa pagprito. Nakita kong tapos na rin si Bruno kaya binigyan ko ito ng inumin.
"Boss, alam mo ba si bruno laging nakaabang sa akin kapag umaga!"
Napatigil naman si Boss sa pagsubo ng pagkain.
"Kaya pala wala siya sa tabi ko paggising ko," saad niya.
Napangiti naman ako. "Feeling ko boss, crush ako ni Bruno!" I said, laughing.
Nakita kong naubo si sir kaya iginaya ko sa kanya 'yong baso ng kape. "What are you saying?"
"Joke lang boss, love na agad ako ni bruno kasi lagi niya kong inaabangan kapag umaga. Feeling ko tuloy may jowa ako!" Natatawa kong sabi.
Napunta naman yung tingin ni sir sa pwesto ko. "Don't you have a boyfriend?" he asked.
Nailing naman ako. "Wala po sir, bibigyan mo ba ako?" tukso ko.
Umiling naman si boss kaya napasimangot ako. Ayaw ko rin naman magkaroon muna ng boyfriend. Hindi pa naman ako na-inlove sa buong buhay ko.
"Ikaw, boss? May girlfriend ka ba?" tanong ko at hinihintay ang sagot nito.
Hindi siya nagsalita. Nagulat ako nung tumayo ito.
"B-Boss," tawag ko sa kanya.
Akmang lalapitan ko siya nung pero tumalikod na siya ay nagsalita siya. "Nawalan na ako ng gana," malamig na sabi niya.
Naiwan akong tulala. Kinilabutan ako sa boses niya. Hala, may nasabi ba akong mali?
****
"What's with that frown?" Narinig kong tanong ni Penelope at inilapag sa mesa yung inorder naming pagkain. Nagkibit balikat nalang ako.
"Wala raw. Ano? Kamusta naman ang pagiging yaya?" she asked then sipped on her juice.
"Maayos naman," simple kong sagot at kumagat sa egg sandwich. Break time namin ngayon and after nito last subject na. Uwian na.
"At saka himala! Simula nung magwork ka roon, hindi ka na pumapasok ng late! It's a miracle!" bulalas niya.
Buong umaga na nakangiti si Penelope, halatang tuwang-tuwa sa akin kahit wala namang nakakatuwa.. Napairap ako at mas humaba ang nguso ko. Oo nga, simula no'n hindi na ako pumapasok ng late, at saka maayos na din ang tulog ko lagi. Kahit pumapasok pa rin ako sa café tapos dadaan kay boss, hindi ako nakakaramdam ng sobrang pagod. Ang gaan na lang sa pakiramdam.
Speaking of boss, kaya ako nakabusangot kasi dahil sa pagtalikod niya sa akin kaninang umaga. May nasabi ba ako? Tinanong ko lang naman siya kung may girlfriend siya.
"P, may girlfriend ba si boss?" biglang tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Sinong boss?" takang tanong niya.
"Iyong anak ng bestfriend ng mama mo!"
Napaisip ako sandali. What's his name, again? Nakalimutan ko agad. Napakamot nalang ako sa batok.
"Si Kuya Matteo! At saka boss? Boss ang tawag mo? Wow ha! may endearment ka pa!" natatawa niyang sabi kaya napasimangot ako.
"Baliw ka, tawag ko lang naman iyon sa kanya. Nasanay na rin ako. Tingnan mo, limot ko agad name niya," nakanguso kong sabi.
"Whatever! Pero sa pagkakaalam ko meron, wala ka bang nakikita sa condo niya? Wala pa bang sumasampal sa iyo?" nakangisi niyang tanong.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wala, 'yong aso lang niya at saka siya ang nasa condo na iyon," sagot ko at kumain ulit.
At saka imposible na walang girlfriend iyon. Mayaman. Matalino. Mabait. May itsura!
"Gwapo naman si boss. Mukhang nasa kanya naman lahat. Mukhang maraming nagkakandarapa sa kanya. Imposibleng walang girflriend iyon."
Nagulat ako ng biglang maubo si Penelope kaya inabutan ko iyon ng tubig.
"W-What? Anong sabi mo? Gwapo si kuya Matteo?" sunod-sunod niyang tanong.
Napatango na lang ako. Napansin ko 'yong matamis niyang ngiti. Totoo naman iyon. Kahit ako nung una ay na-intimidate kay boss. Iniwas ko ang tingin kay Penelope. Problema nito?
"Holy s**t! Don't tell me pumasa sa standards mo si kuya Matteo?!"
Naramdaman ko namang nag-init 'yong pisngi ko kaya kinagat ko ang ibabang labi.
"Hoy, nag-blush ka!" Natatawa niyang sabi at pumapalakpak pa. Napapatingin naman sa pwesto namin 'yong iba.
"Ang ingay mo!" suway ko rito at umiwas ng tingin.
"Oh my god! Si Light Bartolome may crush-"
Hindi na niya natapos ung sasabihin niya nang takpan ko 'yong bibig niya. Pasaway naman siya!
"Anong meron? Anong ginagawa niyo?" bungad ni Jade at umupo sa tabi namin. Binitawan ko naman si Penelope at sinamaan siya ng tingin.
"Kainis ka! Kapag ako namatay!" madamdamin niyang sabi at inirapan ko nalang siya.
Biglang may nilapag si Jade na Apat na chocolates, Ferrero, Dairy Milk, Hershey at Goya. Chocolates!
"Ang dami naman!" sabi ni penelope at kinuha ang mga iyon.
"Saan na naman iyan galing?" tanong ko kay Jade.
Nagkibit balikat naman ito. "Edi sa mga admirer mo," simple niyang sabi at kinuha 'yong pagkain ko.
Tinignan ko naman si Penelope na binubuksan na ung Hershey. "Hay nako, Jade! Pakisabi sa mga may gusto kay Light na wala na silang pag-asa! May bebe na iyang si Light e!" Malakas niyang sambit.
Mukhang sinadya niya iyon para marami ang makarinig. Napasapo na lang ako sa noo dahil sa babaeng ito.
What may jowa na pala si Light?
Ay totoo ba?
Paasa naman daw kasi iyan.
Malas mo pre! May bf na pala eh!
Napairap na lang ako sa narinig na bulungan at sinamaan ng tingin si Penelope, nagpeace sign na lang ito. Tumaas naman ang kilay ni Jade.
"May bf ka na? Buti may pumatol?"
Nag-init naman ang ulo ko sa sinabi niya. Grabe naman!
"Ang sama mo naman sakin!" Sabay sabunot sa kanya.
Natawa naman ito at nagpaalam na agad, may meeting daw kasi sila para sa darating na Graduation ball. Jade is a part of the SSC at ito na ang last year namin kaya busy silang lahat. Thesis, Organizational meetings, events at iba pa. Kaya bihira na lang namin siya nakakasama. Bihira na lang tapos aalis pa siya. Hindi pa nga siya umaalis, miss na namin siya agad ni Penelope.
Mas lalo na after graduation, hindi na talaga namin siya kasama kasi alam ko aalis na sila ng bansa.
Kinuha ko naman 'yong chocolates at binigay na lang kay Penelope 'yong hershey tsaka goya.
Bibigyan ko si boss ng chocolates. Magsosorry na rin ako kasi baka mamaya na-offend pala siya sa sinabi ko? Pang peace offering nalang din kumbaga. Mukhang tatanggapin niya naman ito.
"Light! Una na ako, ha? May dadaanan pa kami ni daddy. Ingat ka sa pagpasok! Regards mo ako sa bebe boss mo ha?"
Hinalikan niya ako sa pisngi at tumakbo na. Bebe? Natawa na lang ako sa pinagsasabi ni Penelope.
Nireready kasi ni Tito si Penelope dahil siya na ang magmamanage ng company nila kapag grumaduate ito kaya lagi silang may lakad. Training and brief meetings, iyan ang lagi niyang ginagawa kapag kasama si Tito. Nasasanay na rin naman siya at gusto niya iyon kaya wala siyang reklamo. Only child lang din naman kasi siya.
Naglalakad na akong papuntang condo dahil wala naman akong pasok sa cafe ngayon, may mga nagtetraining kasi kaya hindi naman sila nangangailangan masyado ng tao.
Habang naglalakad ay may napansin akong pamilyar na tao na papasok sa isang convenience store.
"Boss?" bulalas ko at tinitigan iyon.
Agad akong napatakbo papasok sa isang store at nakita ko siyang umupo sa mga upuan doon.
"B-Boss!" hinihingal kong sabi at umupo sa harap niya.
Napanganga naman ito. "Light?" takang tanong niya.
Napatango naman ako na para bang nakikita niya ako. He's wearing a white shirt at nakashorts ito tapos rubber shoes.
"Y-Yes boss, hiningal ako doon ha!" sabi ko at pinaypayan ko pa 'yong sarili ko.
"Why are you here? Why are you running?" tanong nito.
Nagkaroon naman ng ngiti sa mga labi ko at tinitigan ko si boss. Hays! bakit ang gwapo niya? Ang pula pa ng mga labi. Sarap hali— What? Ano ba itong iniisip ko?!
"Huy, concern sa akin si boss!" tukso ko at natawa.
Nakita ko namang namula siya. Nagblush ba si boss? Kalaunan ay sumeryoso ang mukha niya. "Shut up. What are you doing here?"
"Papunta na rin sana kasi ako sa condo, boss, eh nakita kita kaya ayon, hinabol na kita," simpleng sabi ko at kinuha na sa bag ko ang dapat kong ibigay sa kanya.
Inilapag ko sa mesa iyon at kinuha ang kamay ni boss para ipahawak sa kanya.
"What's this?" Nakataas na kilay na tanong nito. Hinaplos niya iyon.
"Chocolate sir, sa iyo na lang," nakangiti kong sabi.
"Is it a ferrero?" bulong niya. Hinaplos-haplos niya iyon muli.
Napa-oo naman ako at nagulat ako ng may sumilay na ngiti sa labi niya.
"Thank you for this," simple niyang sabi.
Napatingin naman ako sa paligid. Ano kayang ginagawa ni sir dito? Mag-isa pa siya. Dapat ako na lang inutusan niya.
"Boss ano pa lang ginagawa mo rito? At saka okay ka lang naman ba sa paglabas mo?" tanong ko dito kasi baka mamaya nahirapan siya sa pagpunta rito eh.
"I'm going to buy something, don't worry sanay na ako magpunta dito. I memorized the way. I used to went here alone," mahina naman niyang sabi.
Bigla naman nalungkot 'yong mukha sa boses niya. Grabe siguro ang hirap ng kondisyon niya. Kung ako siguro ang nasa lagay niya baka hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ay boss ano pa lang bibilhin mo? Ako na bibili! May bibilhin din kasi ako, at saka para di ka mahirapan." Pinilit kong pasiyahin 'yong boses ko para hindi mag-iba 'yong aura ng paligid namin.
"I can manage, hindi naman ako lumpo," malamig niyang sabi.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
Sungit.
"Boss, gusto lang naman kita tulungan eh," mahina kong sabi.
"I don't need your help," madiin niyang sabi, bigla siyang tumayo at pumila sa cashier. Para namang may tumusok sa dibdib ko sa sinabi niya.
Ano bang masama sa sinabi ko? Gusto ko lang naman siya tulungan e! Syempre maid niya ako natural lang yon. Pinagkrus ko na lang ang mga braso ko at pinanood si boss na bumili. Ang sungit naman! Tinalo pa ang may regla!
Bumalik si sir sa pwesto ko na may dala nang coffee at dalawang sandwich. Halatang sanay na sanay na nga siya sa mga ginagawa niya kahit wala siyang nakikita. Alam na alam na niya ang dapat na galaw.
Napagbuntong hininga na lang ako sa inasta ni sir. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Kumakain lang siya at hindi ako pinapansin na para bang wala ako.
Tanga mo naman Light! Sino ka ba para pagtuunan niya ng pansin?
"Light?"
Nag-angat ako ng tingin ng may tumawag sa aking pangalan. Isang lalaki.
"H-Hello?" alanganin kong sabi dahil inaalala ko kung saan ko siya nakita.
Schoolmate ko ba ito?
Narinig ko namang natawa ito. "I'm Andrew school mate mo." Sabay lahad niya ng palad niya.
Tinanggap ko naman iyon. "I'm s-sorry, ha? Hindi kasi ako palatandain sa mukha." Hingi ko nang paumanhin.
Totoo iyon. Hindi ko masyadong namumukaan mga classmate ko dahil na rin sa hindi ako masyadong nakikihalubilo sa kanila. Si Penelope at Jade lang ang nakasanayan kong kasama sa buong buhay ko.
"It's okay, What are you doing here? Is he your boyfriend?" Sabay turo niya kay Boss na kumakain pa rin.
"Uy hindi!" pagtanggi ko.
Napatingin ako kay boss at para wala lang sa kanya na may kausap ako.
"Okay, pwede ba kitang maaya mamayang gabi?" Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "For what?"
"It's my birthday, may party kasi ako mamaya. I just want to know kung gusto mo sumama. Don't you worry, marami kang kakilala roon kaya for sure you'll enjoy the night," nakangiti niyang sambit.
Napatingin naman ako kay boss. Mukhang hindi naman ako kailangan nito. Kaya siguro pwede akong hindi pumunta sa kanya mamaya. Minsan lang din naman iyon. Wala rin naman ako gagawin.
"Okay, sur—"
Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko nang marinig kong magsalita si boss na ikinalaglag ng panga ko.
"Hindi siya sasama, kailangan ko siya mamaya."