Light's POV
Pagkapasok ko ng unit ni boss ay agad na sumalubong sa akin si Bruno. Lumuhod ako para buhatin pero hindi ko nagawa kasi ang bigat niya! Pero patayo kaming naglakad papunta sa sofa at doon naupo. Naupo rin siya sa tabi ko at tumahol. Ngumiti ako at pinanggigilan siya.
Ilang araw na rin 'yong nakakaraan simula nung bawalan niya ako na sumama roon sa school mate ko. Hindi naman na nagreklamo 'yong Andrew at agad ding nagpaalam sa amin
Hindi ko alam pero gusto ko na pinigilan niya ako. I mean, natuwa ako. My heart beats so fast that time. Am I selfish if hiniling ko talaga sa loob-loob na sana pigilan ako ni boss at hindi payagan na sumama? Weird, but that's what I want to hear from boss when Andrew invited me. But heck when we reached his condo unit, boss just pushed me away na para bang hindi niya ako pinigilan sa pagsama kay Andrew, kaya grabe ang simangot ko nung hapon na iyon.
"Boss, may iuutos ka ba?" nakangiting tanong ko sa kanya. Kanina pa maalis ang ngiti ko sa labi ko. Feeling ko kasi nagkaroon ako ng boyfriend ng pigilan niya ako kanina.
Napakunot ang noo ko nang umakyat siya sa hagdan at hinarap ako. "Go home. Just come back here for dinner. Lock the door, when you leave, okay?"
Bumagsak ang balikat ko at ramdam ko ang paghaba ng nguso ko. Tss. Akala ko naman sobrang daming iuutos kaya hindi ako pinasama kay Andrew, edi sana nag-enjoy din ako! Akala ko naman talaga may meaning!
Nang makabalik siya sa kwarto niya at padabog akong nahiga sa sofa at kung anu-ano ang ibinulong. Tinahulan na lang ako ni bruno kaya kumalma ako. Gusto ko siyang tirisin sa inis!
Nawala ako sa pag-alala sa araw na iyon nang maramdaman ko ang pagdila ni bruno sa pisngi ko. Natawa ako dahil sa kiliti kaya inipit ko sa palad ko ang mukha niya.
"Huwag kang tutulad sa amo mo ha? Ang unpredictable, para pang may regla lagi, mataas ang pride! Kailan kaya kakalma ang amo mo? Mas okay pa nga na lagi siyang nakangiti or tumatawa. He looks so good on that," sambit ko sa harapan ni bruno. Natuwa naman ako ng tumahol ito ng dalawang beses, halatang sumang-ayon din siya sa sinabi ko.
"Bakit kasi ang sungit no'n? May girlfriend ba iyon? Sabi niya may 'baby' siya? Nasaan naman kaya?" tanong ko pa. Hindi naman sumagot si bruno.
"Dapat siya ang andito, dapat sinasamahan niya si boss para hindi malungkot. Kulang sa tamis si boss," natatawa kong sambit.
Kung may ibang makakakita sa akin baka isipin na baliw ako. Kinakausap ko iyong aso ng kung anu-ano. Oh baka mamaya sabihin ni boss, sinisiraan ko siya kay bruno niya.
Hindi na ako umalis sa unit ni boss at umidlip na lang muna. Nag-set na lang ako ng alarm para magising ako. Akap-akap ko si bruno habang natutulog. Saktong 6:30 ako nagising, kaya dali-dali rin akong kumilos para maghanda ng dinner.
Napansin kong nakasulyap si Bruno sa glasswall at nakatingin sa buong city. Napangiti naman ako. Maganda ang gabi ngayon. Maganda lumabas-labas. Maganda mag-liwaliw.
Napapitik naman ako ng may naisip. Aayain ko si boss lumabas kahit sa rooftop or sa garden ngayong gabi! At saka minsan lang naman 'to. Nakakapunta nga siyang convenience store sa labas mag-isa eh!
Nang natapos akong magluto ng beef steak ay agad kong tinawag si boss at pinaghanda. Dahil wala siyang katulong, mama niya ang naghahatid ng kinakain niya. Minsan may pumupunta rito na maid nila para ihatid ang kailangan niya. Marunong naman kasi siyang kumain mag-isa kahit na hindi siya nakakakita.
Pero simula nung mag-trabaho ako sa kanya ay nasanay na rin siyang sinusubuan ko siya.
"Bruno, come here." Tawag niya kay Bruno matapos kumain.
Dumiretso sila ni Bruno sa living area at doon naupo. Tumakbo rin ako papunta roon para buksan ang smart tv at nagpunta sa isang action movie. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para ubusin ang kinain ko at makapaglinis na.
Naalala ko naman ang plano ko kaya matapos ang mga gawain ay umupo ako sa single sofa na andoon at tumingin kay Boss na nakaharap sa smart tv at halatang focus sa pakikinig. Si Bruno naman ay nakahiga sa carpet at nakaharapa sa bandang gawi ko.
"Boss," tawag ko sa kanya.
"What?" he asked. Hindi siya nakatingin sa akin.
Napatingin ako sa wall clock niya at nakitang maaga pa naman.
"Punta tayong rooftop, boss. M-Maaga pa naman eh. Papahangin lang po gano'n." Nilakasan ko ang loob ko na sabihin iyon. Pinagdaop ko pa ang mga palad ko na parag nagdadasal para mapapayag siya. Medyo mailap pa naman si Matteo sa labas. Ayoko namang maburyo siya rito sa loob.
"Fine," sagot niya.
Napatayo pa ako sa narinig. "Talaga po?"
Tumahol pa si Bruno at dinamba ako kaya napaupo akong muli sa sofa.
"Yes. Let's bring, Bruno. Get his lace and put it," aniya.
Mas lumawak ang ngiti ko. Niyakap ko pa si Bruno kaya nasama siya sa pagtayo ko. Dalawa tuloy kaming naglalakad papunta sa may kusina. Napansin ko pa ang pagtayo ni Boss at umakyat muli sa kwarto niya.
"Yes! Did you hear that Bruno? We're going to the rooftop!" Masayang sambit ko.
Tahol lang ang binigay ni Bruno. Agad kong kinuha ang lace niya sa may cabinet na para sa gamit niya at kinabit ko iyon sa kanya. Kinuha ko naman ang phone ko na nasa bag at nilagay sa bulsa.
Nadatnan ko si Matteo na nakasuot ng jacket. Mabilis kaming lumabas ng unit niya at dumiretso sa taas. Namangha pa ako sa ganda no'n. Kahit madilim na ay nagliwanag ang buong paligid dahil sa lamp post. May bahagi sa rooftop na may takip at doon nakalagay ang mga sofa at mesa. Doon kami pumwesto ni Matteo sa may metal frame lounge chairs na malapit sa may railing. Si Bruno naman ay pinaakyat ni Matteo sa isang upuan na katabi niya. Sobrang lakas ng hangin, buti na lang at nakatali ang buhok ko.
Napasulyap ako kay Matteo at napansin kong nakapikit siya na para bang dinarama ang simoy ng hangin. Maya-maya ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Parang may humaplos na kung ano sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Wala sa sariling kinuha ko ang phone ko at kinuhaan siya ng isang litrato. Mabilis ko rin iyong itinago dahil baka maramdaman niya.
Napakagat ako sa labi para pigilan ang ngiti. Walang nagsalita sa amin at dinama lang ang magandang paligid at malakas na hangin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong ayos hanggang sa ako na ang nagsalita.
"Boss, para sa 'yo ano ba talaga ang happiness? Masaya ka ba talaga ngayon?"
Gusto ko lang 'yan itanong. Wala kasi akong maisip na iba. Hindi pwede more on personal life ang itanong ko.
Nabaling ang tingin ni Boss sa gawi ko at kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Why are you asking me that?" he asked.
Mahina naman akong natawa. "Wala lang po, wala kasi akong maisip na topic. Ang tahimik kasi natin."
He smirked and I pouted my lips. Eh, bakit ba?! Wala naman din kasing masama sa tanong ko! Baka malay mo may matutunan pa ako at makuha sa isasagot niya.
I saw Boss licked his lips kaya ngumiti ako. Mukhang sasagutin na niya ang tanong ko.
"Hmm. Actually, marami pwedeng isagot sa tanong mo kung ano ang happiness, but for me happiness is all what we really want in life and happiness is inside of us, in our soul." He answered.
"Ano ba ang gusto mo?" tanong ko.
Halatang nagulat siya dahil umawang ang labi niya. Napangiti naman ako.
"Kung ang iba ay ang pagkaroon nila ng bahay, kotse, gamit o nagawa nilang magtravel ang kanilang kasiyahan. Sa 'yo, boss, ano?"
"You're good. Nahuli mo ako diyan sa tanong mo." Sambit niya na ikinatawa naming dalawa.
"Dali na, boss. Sagutin mo na!"
He smiled and gave me a nod. "Okay." He said in a low voice. I saw him caressed Bruno's hair before talking.
"Honestly, wala na. M-Masaya naman na ako ngayon."
Nailing ako sa narinig. I'm not truly satisfied with his answer. May kulang. Tinitigan ko si Matteo at bakas sa mukha niya na parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya magawa.
"I can feel that you're thinking that your life now is a little bit rut and dull because of your condition, boss. Kahit hindi mo sinasabi sa akin, ramdam ko iyon."
I saw him swallowed the lump in his throat and looked away. "I'm not," pagpupumilit niya.
Natawa na lang ako at pinagkrus ang mga braso ko. If Matteo thinks that he lost a connection to his real life, there's a way to rebuild that connection. And that's to find his real happiness. Alam kong nawala ang saya na 'yon simula nung mabulag siya, mahirap ang pinagdaanan niya.
"Happiness is loving who you really are and where are you at." Mahinang sambit ko.
Living the best of your life is the real happiness. Oo, some things might make you happy, but that's for a while. And the real happiness may come deep within your heart and soul.
Alam kong may iba pang magpapasaya sa kanya. Kung para sa kanya ayos na 'yong ganito-ganyan. Para sa akin hindi. I can feel it. There's something more.
Ang makakita siyang muli.
Ang maranasan niyang muli ang dating buhay.
Ang magawa ang dati niyang ginagawa.
At kung may nangyari man sa kanya noon na hindi maganda dati, peace of mind gusto kong makuha niya.
I let out a sigh and looked at him.
"Boss," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Matatapos din 'to. Makakakita ka rin. You'll be okay. Everything will be fine, I swear. In right time. In God's time." I mumbled.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa sambitin niya rin ang sinabi ko.
"Yeah, in right time."