"Bahay mo ba ito? Ang laki!" Mangha kong sabi nang makapasok kami sa mala-palasyong gusali. Natawa naman siya at ginulo 'yong buhok ko.
"This is our headquarters, baby," simple niyang sabi at sinundan ko lang siya. Nakasalubong kami ng mga lalaking naka-all black ang suot at panay ang bati sa lalaking kasama ko.
Headquarters? Opisina 'yon diba? I mean 'yong parang sa mga pulis. Sabagay pulis naman 'tong kasama ko. Nagandahan lang ako sa laki nitong building. Nakakita na ako ng mga pulis at lalaking pare-parehas ang suot kaya nagka-idea agad ako kung nasaan kami.
"Hi, boss! sino iyang binibini mong kasama?" tanong nung lalaki na nakaupo sa sofa nang makapasok kami sa isang kwarto. May nasa limang lalaki ang andito at nakapalibot sa sofa. Mukhang nasa lagpas 20's ang edad nila. Mga may itsura at halatang galing sa mayamang pamilya.
"Back off, Harrith," simpleng sabi nitong nagsama sa akin at naupo kami sa sofa kaharap ng mga lalaki.
I met Sir Steve sa isang bar dahil doon dapat ako magwowork pero na-raid ito. Siya ang nakaligtas sa akin. Hindi ko naman alam na illegal pala ang gawain doon. Ang alam ko waitress lang ako, ang hindi ko alam may illegal palang gawain sa loob no'n.
Sir Steve asked some information about me. May inalok sa akin si Sir Steve na trabaho para daw hindi na ako kung saan-saan magpupunta at mapahamak tulad nung nangyari sa bar.
"New recruit?" tanong nung lalaking katabi nung Harrith ang pangalan. Ngumiti sakin ung Harrith at inirapan ko ito. Makatitig naman wagas.
"Yeah, but she's still young, training first. Ian, this is my team, this is Harper and Harrith, ang naghahawak ng mga list ng cases namin. Yancy, ang responsible sa guns and weapons. Nigel, sa IT and databases. Brandon and Sic naman for trainings."
Kumaway naman ang anim sa akin at ngumiti. Tumango nalang ako. Kahit gulong-gulo ang utak ko ay naipasok ko agad sa utak ko ang mga sinasabi niya.
"Sila ang magiging kasama mo sa team, if ever na pumayag ka sa alok ko. And you will also be the first lady in this team." Nakangiti niyang saad.
Bakas din ang mukha ng mga taong kasama ko dito sa loob ang gulat at saya. Napatingin naman ako kay Sir na nagtataka. Napatawa naman ito. Pero na-gets ko na ang gusto niyang iparating. So, ito ang magiging trabaho ko?
"Did you get what I mean? Answer me, Ian, are you ready to be a part of my team?"
Nawala ako sa pagmumuni ko at pag-alala sa nakaraan nang mas maalala si Matteo. Kinuha 'yong phone ko sa bulsa at dinial ang number ni Boss. Pwede ko naman siya matawagan kahit papaano. Nasanay na rin siya sa phone niya pero pagdating lang sa tawag or pagpatay ng alarm niya.
"Hello, boss?" mahinang sambit ko.
"May problema ba?" bungad niya sa akin.
"Wala naman po, magpapaalam lang po sana ako, baka gabihin ako ng punta diyan, magpapractice lang din po kasi kami ng graduation," paalam ko.
Nakarinig ko naman ang dalawang beses na pagtahol ni Bruno sa kabilang linya. "Okay, take your time," simpleng sagot niya at siya pa ang unang nagpatay ng tawag.
"Ehem, may ka phone call!" Sabay tusok ni Penelope sa tagiliran ko.
Agad ko namang itinago 'yong phone ko. Nasa byahe kami papuntang PICC dahil may practice kami ng graduation. Grabe, nakakaexcite! Two weeks from now, graduation na namin! Graduate na ako!
"Tinawagan ko lang si boss, baka kasi hanapin ako no'n at may ipautos eh, mas maganda na kung magpaalam ako ng maaga," sabi ko kay Penelope at nakita ko ang nakakaloko niyang mga ngiti.
"Naku! Namiss mo lang 'yan, lalo na 'yong pagyakap mo sa kanya," tukso niya at naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Isang buwan na 'yong nakakalipas simula nung niyakap ko sya nung umiyak siya. I can't stand seeing someone na umiiyak lalo na kilala ko. It breaks my heart, okay. Ako na mismo ang unang kumalas doon sa yakap ko kay boss at nag-sorry sa kanya. Bigla kasi akong nahiya, mamaya sabihin niya feeling close ako. Agad akong lumabas no'n kasi grabe din 'yong t***k ng puso ko no'n. Parang sasabog sa sobrang bilis.
After no'n nag-iba 'yong ihip ng hangin sa aming dalawa, nahihiya na akong lumapit-lapit kay sir, pero napansin kong parang bumait siya sa akin? I mean hindi na niya ako sinusungitan, kinakausap na rin ako lagi.
He even gave me his number and I also saved mine sa phone niya. Sabi niya tawagan ko siya kapag hindi raw ako makakauwi or kapag may problema. Huwag text syempre hindi niya mababasa iyon dahil hindi naman siya nakakakita. Kaya tawag lang or missed calls.
"Ewan ko sayo!"
Iwas ko kay Penelope at tumingin sa labas ng bintana. Nakasakay kami ngayon sa school bus. Ihahatid lang kami pero kapag uwian ay kanya kanya na kami ng uwi.
"Grabe, ang bilis ng panahon! Gagraduate na tayo!" Masayang sabi ni penelope at niyugyog pa ako.
Napangiti naman ako. "Oo nga! Magiging busy na tayo sa kanya kanya nating work!"
"Hoy! Huwag mo akong kakalimutan ha!"
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Gaga, para saan pa't naging magbestfriend tayo?" Baka nga siya pa 'yong makalimot sa akin dahil madami na siyang gagawin.
"Sabagay! Walang iwanan ha!" sabi niya at nag pinky promise kami.
Niyakap ko pa ito. "Promise," bulong ko kay Penelope at matamis na ngumiti sa isa't-isa.
Nang makarating kami agad sa loob ay pinapila na kami ng alphabetical and by course. Syempre nasa unahan ako dahil Letter B at lima lang ang A sa amin.
"Hi? Ikaw ba si Light?"
Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Ibang course ito dahil sa kabila ito nakapila. Tumango naman ako. Bigla namang nagningning ang mga mata nito. Hala?
"Ahm, pwede ko bang makuha number mo?" nauutal niyang sambit, napansin ko naman na tinutukso siya ng mga kasama niya.
"Sorry, hindi kasi ako namimigay ng number." Prangka kong sabi pero nakangiti ako sa lagay na 'yon.
Nagulat naman ito at ngumiti. "Picture na lang okay ba?" Tumango naman ako. Picture lang pala e! Tumabi naman ito sa akin at binigay sa kakilala niya yung phone. Nagulat naman ako ng akbayan ako nito.
"Walang ak—" Hindi ko na natapos ung sasabihin ko dahil biglang may sumampal sa akin.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao at napahawak ako sa pisngi ko. Nag-init agad ang dugo ko at napatingin sa babaeng nanampal sa akin.
"Babe! Ano ba!"
Babe?! Tangina, may girlfriend pala ito! Tinulak ko 'yong lalaki at hinarap yung babae. Tangina, talagang nasampal pa ako.
"You! Anong ginagawa mo sa boyfriend ko! May pag-akbay pa talaga kayo! Isa kang m—"
Hindi ko na siya pinatapos at sinampal siya sa magkabilaang pisngi niya. Narinig ko naman ang pagsigaw ng mga student, 'yong iba kinukuhaan pa kami ng picture or video.
"Hindi ako ang malandi rito kundi 'yang boyfriend mo! Siya ang lumapit sa akin! Hindi ako!" Madiin kong sabi at tinuro pa ang boyfriend niyang namumutla na sa hiya.
Nakahawak naman sa pisngi niya 'yong babae at maiiyak na. May lumapit naman sa aming school personnel at inilayo kami sa isa't isa. Napangisi naman ako ng dahil hindi ko na nakita 'yong pagmumukha nila.
Panira ng araw!
"Hindi ka na ba talaga sasabay sa amin? Gabi na Light." Aya sa akin ni Tito. Sinundo niya kasi si Penelope. Gusto niya sumabay na rin ako sa kanila.
"Oo nga naman, light, baka mapaano ka pa." Pagkumbinsi ni Penelope at yumakap pa sa braso ko.
Katatapos lang namin magpractice at inabot kami ng 9pm dahil naka-ilang ulit. Makukulit kasi 'yong ibang students, ayaw makinig!
"Hindi na po tito, at saka po dadaan pa ako sa condo ni boss, sasakay na lang po ako ng angkas," sabi ko naman.
Napatango naman si Tito at marahan akong niyakap. Ganoon din si Penelope. "Mauuna na kami ha! Ingat ka! Inaantay ka na ng bebe mo!" tukso niya at sumakay na sa kotse nila.
Napailing nalang ako.
Naikwento ko rin kanina kay Penelope 'yong nangyari pero tawa lang siya nang tawa, ang galing ko daw, actually napanood niya pala. Hindi na niya raw ako nilapitan dahil alam na niya 'yong gagawin ko. Natuwa pa talaga ang loko. Nakuhaan niya nga ata ng picture 'yong nangyari kanina eh.
Naalala ko naman si boss. Malamang tulog na 'yon. Anong oras na din kasi. I tried to contacting him pero walang sumasagot baka tulog na rin iyon. Kailangan ko pa pala magising ng umaga bukas dahil dadaanan ko si bruno sa vet, dahil may monthly check up ito at iniwan na lang namin.
Agad akong nag-book ng angkas at nagpadrop-off sa condo ni sir. I tried contacting his phone again pero hindi sumasagot. Ang aga naman ata niya matulog? Usually kasi mga 10pm or 11pm iyon natutulog.
Pagkapasok ko sa elevator ay may iba akong naramdaman. Bakit bigla kaya ako kinakabahan?
Pagkalabas ko ng elevator ay napatigil ako sa hallway. Nakarinig ako nang nag-uusap na tao. Nagdahan-dahan ako para suriin 'yong nag-uusap. Sinoi yon? Bakit may ibang tao? Si Matteo lang naman andito? Baka may bisita siya? This floor is exclusively for Matteo only.
"Mag-isa lang 'yon dito?"
"Oo daw sabi nila."
"Edi ang swerte pala natin?"
"Syempre!"
"Tiba-tiba tayo roon! Mayaman iyon eh!"
Nasilip ko na may dalawang lalaki na naka-bonnet ang naka-abang sa labas ng pintuan. Bumilis naman ang t***k ng puso ko. Si boss! f**k! Paano sila nakapasok dito?
Dahan-dahan kong kinapa 'yong bag at may hinanap. Damn it! Wala nga pala 'yong gamit ko rito! Nagulo ko ang buhok dahil sa frustrations. Sinilip ko pa 'yong dalawang lalaki at nakita ko silang nakatalikod. Napansin kong may baril 'yong isa sa likod ng pants niya.
"Tagal naman nila"
"Kaya nga, naiinip na kaya ako."
"Baka madami nang nakuha sa loob!"
At nagtawanan pa sila. Tangina naman! Nila? Ibig sabihin may ilan pa silang kasama na nasa loob? Agad kong naisip ang kalagayan ni boss. Paano kung nabugbog na siya? Paano kung sinaktan na siya? Paano naman siya makakalaban? Mag-isa lang siya! Hindi niya kayang kalabanin iyon! Mariin akong napapikit at taimtim na humiling na sana ay ayos lang siya.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanila, hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila. Agad kong dinukot 'yong baril sa likod nung matabang lalaki at malakas itong sinipa agad naman siyang napasubsob.
Napamura naman 'yong kasama niya at agad akong nilusob, akmang susuntukin ako nito nang mahawakan ko ang braso nito at pinaikot.
"A-Aray! Tangina!" daing niya.
Diniinan ko pa ito at nakita kong namimilipit na siya sa sakit. Napansin kong nakatayo na 'yong sinipa ko kanina kaya hinampas ko agad ng baril sa mukha itong lalaking hawak ko.
"Putangina! Sino ka ba?!" Sigaw nung lalaking mataba at sinugod ako.
Sa pagkabigla ay napamura ako nang matulak niya ako at macorner sa pader. Napasigaw ako sa sakit na hatid no'n sa likod ko. f**k! Agad ko ring hinampas ng baril 'yong pagmumukha nitong mataba ng tatlong beses at nang mapansin kong nagdugo na iyon ay namilipit siya sa sakit. Napabitaw siya sa akin.
"Putangina mo!" sigaw nito at napaluhod na sa sakit. Napaupo ako sa sakit ng likod ko nang tumama ako sa pader. Napalakas 'yong pagkakatulak niya sa akin. Tapos ang laki niya pa, edi nadala ako sa bigat niya at ang pagtama ko sa pader.
Nakitang kong ipuputok nung lalaking isa 'yong baril niyang hawak pero agad akong napaiwas at pinutok sa kanya 'yong baril na hawak ko.
Mautak! Nakasilencer sila! Lumapit ako sa mataba at tinadyakan siya, napaubo naman ito sa sakit.
"Ilan 'yong nasa loob?" Madiin kong tanong at tinutok sa kanya ung baril.
"T-Tatlo!" Utal niyang sagot at napamura ako.
Tatlo, tapos mag-isa lang si Matteo! Lalong nag-init ang dugo ko. Kinuha ko pa 'yong baril nung isa. Pumasok ako dahil nakabukas naman ang pinto. Napansin kong tahimik pero parang may kumakalabog sa taas. Naghahalughog na ata sila.
"Hmm!" Napatingin ako sa gilid ko nang marinig iyong daing. Agad kong nakita si Boss na nakasalampak sa sahig.
"Boss," mahina kong bulong at nilapitan siya. Nakita kong nakatali ang mga kamay niya at paa. Nakapiring pa ito at may busal sa bibig!
"Hmm!" Tinanggal ko 'yong busal niya sa bibig at tinakpan ang bibig niya.
"Boss! May ginagawa ba silang masama sayo?" madiin pero mahina kong tanong.
"L-ight?!" Tumango naman ako na para bang nakikita niya ako.
"M-Marami sila! They have guns! We should call the police!" nagpipigil sigaw niyang sambit. Napansin kong may sugat si sir labi. Mukhang sinapak pa ata siya.
"L-Light! W-What are you doing!? Hey!" gulat na bulalas ni sir nung hilahin ko siya sa likod ng sofa para hindi kami makita.
"Sir, trust me, okay? Huwag kang lalabas dito ha." Mahinahon kong sabi at hinaplos 'yong mukha niya. Nakarinig ako ng mga yabag.
"Nasaan na 'yong lalaki? Hanapin niyo!"
"No! Li—hmm!"
Hindi na natapos ni sir ung sasabihin niya ng busalan ko siya ulit. Pasensya na, Matteo. I need to do this. Tinago ko si sir dito sa likod para hindi siya madamay sa gagawin ko.
"Boss, huwag ka na makulit. Please, ako nang bahala." Sabi ko pa dito, naglumikot naman siya. Pasaway! Hinubad ko 'yong bag ko at tumayo.
Nakatalikod 'yong isang lalaki na parang may tinitignan sa cabinet na andoon. Nilapitan ko iyon at agad na sinipa. Napahiga naman siya.
"S-Sino ka?!" tanong nito at akmang tatayo at lulusubin ako para sasaksakin pero nagawa ko siyang maunahan. Pinutok ko 'yong baril sa kamay niya at nabitawan niya yung kutsilyo.
"Sino ako? Si Hudas!" natatawa kong sambit.
Napaluhod naman ito sa sakit at sumigaw. Agad namang bumaba 'yong isa pang lalaki. Akmang babarilin niya ako nang maunahan ko siya. Natamaan ito sa braso.
"Pakielamera ka!" sigaw nito at bumaril pa ulit.
Nakipagpalitan ako sa kanya ng putok at naiwasan ko 'yong mga ito. Tumama pa sa kasama niyang may hawak kanina ng kutsilyo 'yong ibang bala. Bobo! Ayan bagsak din 'yong kasama niya! Matigas ka ha! Nanlaki ang mata ko nang matamaan ko ito sa ulo at nagpagulong gulong ito sa hagdan. Napangiti naman ako. Bingo! Hinila ko 'yong dalawang lalaki na duguan at pinagtabi sila.
"Mga weak!" natatawa kong sabi at natawa.
Akmang aatras ako nang makaramdam ako ng matulis na bagay sa likuran ko.
Isang beses.
Dalawang beses.
"Tarantado ka! Bakit ka pa nakielam!" At mas dumiin pa ito.
Shit! Napapikit ako at malakas na napasigaw.
Kahit nasaktan sa pagkakasaksak niya ay nagawa kong harapin 'yong lalaki at pinagsusuntok siya sabot nang makakaya ko. At hindi ako nakapagtimpi ay binaril ko ito hanggang sa humandusay siya.
"s**t!" malakas na mura ko at napaluhod sa sakit. Naramdaman ko ang patuloy na pag-agos ng dugo sa likuran ko. Tumahimik na 'yong paligid.
"L-Light!" Narinig kong sigaw ni Boss. Natanggal siguro 'yong busal sa kanya. Nagpumilit akong tumayo at lumapit sa telepono.
"Good evening, this is the reception a—" Hindi ko na pinatapos ung sasabihin nung babae nang magsalita ako.
"M-Medic please, also c-call the police now! 26th floor!" sigaw ko.
"Light! Nasaan ka?! Light!"
"Hello? Ma'am? Ma'am?" rinig kong sabi sa telepono.
Inilayo ko iyon at lumapit sa pwesto ni sir. Nakakaramdam na ako ng hilo. s**t, huwag ngayon.
"f**k, Light! Anong nangyayari?" nag-aalalang sambit ni boss.
Napansin kong basa yung mga pisngi niya. Umiiyak siya?
"Boss.." Sambit ko at tinanggal 'yong nakatali sa kamay at paa niya pati 'yong piring niya. Naglikot siya at napansin kong mas lumapit ang katawan niya sakin. Napahiga 'yong ulo ko sa mga hita niya, agad kong naramdaman 'yong mga kamay niyang pumalibot sa akin at sunod-sunod na mura ang narinig ko sa kanya.
"Bakit parang basa? Light! Damn! No!" Napansin kong kumalat na pala 'yong dugo ko sa sahig. Umubo naman ako at napansin kong may lumabas na dugo doon. Umiikot na rin 'yong paningin ko.
"Huwag kang pipikit! Damn it!" sigaw pa nito at niyugyog ako.
Natawa naman ako ng mahina.
"Why are you laughing?!" Madiin nitong tanong.
Napailing nalang ako. "Double kill, boss, na sampal na nga ako ng malandi na babae sa school tapos nasaksak pa ako ngayon." Natatawa kong sambit. Hindi ko alam bakit nasabi ko pa 'yon kahit hindi ko na talaga kaya 'yong sakit.
"Boss safe ka na..." At tuluyan na akong nilamon ng dilim.