"Boss," mahinang sambit ko kay Matteo. Dumikit pa ako lalo rito at kumapit pa sa damit nito. Naramdaman ko naman na nanigas ito.
"What? Huwag masyadong madikit," masungit na sabi niya sa akin at napairap na lang ako. May lumapit sa amin na dalawang babae at mukhang katulong iyon sa bahay nila Matteo. Kinuha ng dalawa 'yong mga maleta namin at lumakad na.
"Boss, kinakabahan nga kasi ako!" Kinakabahan naman talaga ako. It's been two days nang magising ako at agad na sinabi sa akin na sa bahay na mismo nila Matteo kami tutuloy.
"Nervous of what? You're just going to live here," he said.
Kinakabahan ako dahil ibang tao na ang makakasalamuha ko. Hindi rin kasi ako sanay na sa ibang bahay makitulog! Pwera na lang kung bahay iyon nila Penelope.
"Don't you worry. My parents are not here, they're on vacation." Sambit pa sa akin ni Matteo nang makapasok kami sa bahay. Inalalayan ko naman itong makaupo sa sofa doon, at naupo sa rin ako sa tabi nito.
Naalala ko rin ang mga nangyari sa akin. Isang linggo rin pala akong nakatulog dahil sa natamong sugat dahil sa pagkakasaksak sa akin nung lalaki sa condo ni boss. Good thing, hindi natamaan ang organs ko, baka maaga pa akong mawala sa mundong ibabaw.
Napasimangot din ako dahil hindi ako nakapunta sa graduation ball namin! Iyon pa naman ang pinakahihintay ko! Nakakalungkot talaga.
"Kakainis naman," bulong ko at pinagkrus pa ang mga braso ko.
"What's happening to you?" Tanong ng gwapong nilalang na katabi ko. Napagbuntong hininga na lang ako at napasandal sa sofa.
"Boss, hindi ako nakapuntang graduation ball ko," pagmamaktol ko.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Matteo. "It's okay atleast you'll graduate," simpleng sagot nito.
"Gusto ko pa naman may magsayaw sa akin, boss. Minsan lang din kasi iyong graduation ball. Sayang na sayang talaga." Humaba ang nguso ko.
"Kahit masungit at hindi ako interesado sa mga lalaki sa school, gusto ko rin maranasan na isayaw nila ako," dagdag ko pa.
Umismid ako na makita kong hindi pinansin ni boss ang sinabi ko at tumayo ito.
Napatingin naman ako sa kanya. "Saan ka pupunta boss?"
"In my room, nasa second floor, right wing 'yong room ko." Napatayo naman ako sa narinig. Hinawakan ko ang braso ni Matteo at inalalayan ito sa taas.
Matteo's house is bigger than what I'm expecting. Parang mansyon ito sa laki kahit hanggang 3rd floor lang iyon. Magagara 'yong mga gamit at halatang galing pang ibang bansa.
"Right, boss?" tanong ko dito dahil tatlo ang hallway doon. Um-oo naman si Matteo at diniretso namin ang right wing at ang nag-iisang pintuan doon.
"Open it, Light." He commanded.
I open the door and closed the door. Just kidding. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin 'yong sobrang laking kwarto.
"Boss, sa iyo ito?" I asked him.
Tumango naman si Matteo. Malaki pa rin ang mata ko na nakatitig sa kabuuan ng kwarto. Simple lang ang kulay nito. Napakalinis. Malaki ang higaan at may sofa bed pa na nakadugtong dito.
"Yes, this will be your room from now on."
Napanganga naman ako sa sinabi ni Boss Matteo. Dito rin ako matutulog?
"Sir? Saan ka matutulog? Sa labas?" natatawang kong tanong.
Gusto ko lang ibahin 'yong usapan dahil hindi ko pa rin akalain na dito rin ako matutulog. I mean, first time ko kasing makakaranas ng ganito, may kasama sa ibang kwarto. Nasanay kasi ako na mag-isa lang.
"No, sa kama ako. Sa sofa bed ka. Kung gusto mo, ako na lang sa sofa bed."
Bigla naman akong napailing. I don't want to see my boss na mahihirapan sa pagtulog baka mangalay pa ito or what. Mukhang hindi siya sanay sa ganoon.
"Okay na ako sa sofa bed, boss! O kaya dito sa carpet!" Bigla namang akong humiga doon at ninamnam ang lambot ng white fur carpet na iyon.
"Ang lambot boss!" masayang sabi ko at nagpagulong-gulong pa.
Narinig ko naman ang pagtawa ni boss. Napangiti din ako sa narinig. Ayan, dapat lagi siyang tumatawa. It's a heaven for me kapag naririnig kong tumatawa 'yong boss niya kahit masungit ito sa akin minsan.
"Don't roll over there. Your wound, Light!" paalala sa akin ni boss at agad naman tuloy akong bumangon. Napasapo na lang ako sa noo nang maalala na may sugat pa pala ako. Masyado akong nadadala sa mga nangyayari.
"Sorry, boss," mahinang sambit ko at bahagyang natawa nakita kong napailing na lang ito.
After nung nangyari, napansin kong bumait na talaga sa akin si Matteo pero minsan nagsusungit pa rin lalo na kapag matigas ulo ko. Feeling ko lalo siyang tatanda sa akin.
"Boss, bakit dito pa ako? pwede naman doon na lang ako kasama nung mga katulong niyo," saad ko sa kanya. Tama naman ako. Maid naman niya ako.
"We need to be safe. Mamaya kung ano na naman ang mangyari sa iyo," sambit ni Matteo at naglakad.
Inalalayan ko ito hanggang sa makaupo sa kama niya. Umupo naman ako sa sofa bed at humarap kay Matteo.
Napansin ko ang paghiga ni Matteo sa kama niya. Sinabihan niya ako na iidlip muna siya at ako na lang ang mag-ayos ng gamit namin. Tahimik na lang ako nanuod sa tv habang inaayos ang mga gamit ko. Puro damit lang naman ito. Nagmasid na lang din ako sa buong kwarto niya na sobrang laki. Dalawang oras nagtagal ang tulog ni boss at kumain na nung hinatiran kami ng pagkain. Pagkatapos ay nilibot ako ni boss sa buong bahay nila hanggang sa mapadpad kami sa gazebo nila na katapat ng pool!
Inalalayan ko makaupo roon si boss. Napansin ko namang papunta sa pwesto namin ang isang katulong at naglapag na naman ng pagkain. Pakiramdam ko tataba ako rito. Inabutan ko si boss ng juice at sandwich. Malugod naman niya iyong tinanggap.
Masaya lang akong kumakain at sumusulyap kay boss na tahimik. Kalaunan ay tumayo siya at nilahad sa akin ang kamay niya, hawak ang sarili niyang cellphone. Kinuha ko iyon dahil baka may papatawagan siya o kung anuman.
Nabubuksan ko rin ang phone niya dahil kapag may ipapagawa siya. Wala namang pin iyon kaya nabubuksan agad. Medyo nanibago lang ako kasi iphone, android kasi ang akin at mas madali iyon gamitin.
"Sino tatawagan natin, boss?" nakangiti kong tanong.
"Open the youtube app," aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero agad ko ring sinunod. Ah, baka gusto niya may mapakinggan kaya pinapabukas niya.
"Next po?" tanong ko.
"Type in "Beautiful as you" by Jim Brickman and play it."
Ginawa ko naman iyon at pinindot ang unang lumabas.
From the moment I saw you
From the moment I looked into your eyes
There was something about you I knew, I knew
Mahilig pala si boss sa ganitong kanta. Napangiti naman ako sa ganda nung kanta at napatingin kay boss, saglit lang iyon dahil bumaba na ang mata ko sa kamay niya nakalahad sa akin.
"Can I have this dance?" he asked in a low voice.
Bigla akong napatayo. Naramdaman niya siguro iyon kaya gumalaw siya pero hindi niya pa rin ibinababa ang kamay niya.
"Po?"
"I said, can I have this dance?" he said. "Don't you dare reject me because I've been thinking of this a while ago. Nabanggit mo na nanghihinayang ka kasi hindi ka naka-attend ng ball and that's because of me. So, here I am, asking you to have this dance with me, para pambawi."
Bahagya akong natawa at napangiti nang malaki. Halos mapunit ang labi ko sa ngiting iyon. I'm not expecting na gagawin ito ni boss, pero totoo naman iyong mga sinabi ko kanina na gusto kong may magsasayaw sa akin.
"So?" sambit niya na para bang hinihintay ang sagot ko.
Buong loob ko na ibinigay ang kamay ko sa kanya at dinala niya iyon sa balikat niya. Dinala niya rin ang kamay niya sa bewang ko at ang isa ay hinawakan ang kamay ko at iniangat.
Halos panawan ako ng hininga sa sobrang lapit namin pero siya kalmado lang. Buti na lang at hindi niya ako nakikita kaya malaya kong nailalabas ang kung anong expression sa mukha. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano?
But I will never deny that right here, right now, I feel some butterflies in my stomach. His hand on mine. His hand on my waist. It's so electrifying. It feels so exciting. Damn it.
Walang nagsalita sa amin nang magsimula na siyang gumalaw at basta na lang ako nadala sa bawat galaw ng aming paa at katawan. Halatang nagawa niya na rin ang bagay na ito dahil alam niya kung paano kumilos.
I'm not a romantic person. I never was especially when it comes to men because I never had one! Wala pa talaga!
"Is this your first time dancing with a man?" he asked, calmly.
Napaatras ang aking ulo dahil naramdaman ko ang hininga niya sa sobrang lapit. Tumango ako na para bang nakikita niya ako.
"O-Opo," nahihiyang sagot ko.
Mahina siyang natawa. "I'm glad to be your first dance."
Imbis na mainis ay natawa na rin ako. First dance. Hindi ko rin naman kasi naranasan iyon nung high school ako at hindi rin naman ako nakapagdebut nung 18th birthday ko.
"T-Thank you, boss." I said in a low voice.
"For what?" he asked as his forehead creased.
"Ah, k-kasi inaya niyo po ako na sumayaw. Parang nakapunta na rin akong graduation ball."
Mas natawa siya at umiling. "Maliit na bagay," he said boastfully.
Natawa ako. "Boss, malapit na pala graduation ko, baka naman."
Halatang nagtaka naman siya sa sinabi ko. "Baka naman? Why?" he asked.
"Regalo po," mahina kong sambit.
Hindi ko naman talaga gusto ng regalo. I'm not a materialistic person. May gusto lang ako subukan kay boss kung papayag siya.
"Okay. What do you want?" tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ko at napakurap. Medyo kinakabahan ako kasi baka hindi siya pumayag. Matagal ko na ring gusto magawa iyon kaso hindi matuloy-tuloy dahil sa marami akong ginagawa at ibang bagay ko nagugol ang oras ko.
"Hmm.." Kunwari ay nag-iisip ako pero alam ko naman na ang gusto kong sabihin.
"What is it?" naiinip na sambit ni boss sa akin.
Natawa na lang ako at patuloy pa rin kami sa pag-sway. Tinapik-tapik ko iyong balikat niya na hawak ko at saka nagsalita.
"Bakasyon tayo boss..."