Chapter 9

1619 Words
"Kung pumunta ka lang dito para sumimangot, umuwi ka na!" Napatingin naman ako kay Penelope na busy sa pagbabasa ng mga proposal daw ng clients ng company nila. "Grabe ka naman sa akin, P!" Napatakip naman siya sa kanyang tainga dahil sa pagsigaw ko. "Gosh, my eardrums!" reklamo pa niya at kinalikot pa ang tainga niya. Ang arte! "Tell me, do you have a problem ba?" dagdag na tanong pa nito sa akin. Napa-iling na lang ako. Naalala ko na naman 'yong sagot pag-aya ko ng vacation kay boss. Tanong-tanong siya ng kung anong gusto ko tapos nung sinabi ko na saka naman ako binigyan ng isang malaking NO. Isang linggo na rin ang lumipas ng graduation namin at mas naging busy na rin si Penelope sa trabaho nito. Dumadalaw na lang ako sa office nito dahil 'yon ang suggest ni Penelope para makapagkita kami kahit na may ginagawa. Nagkaroon din kami ng bonding nila Jade dahil sa makalawa na ang uwi nito papuntang London, doon kasi siya at magma-masters. Nakakainis dahil hindi man lang niya sinabi sa amin na aalis pala sa makalawa. Alam naman naming aalis siya pero binigla naman kami. Wala naman kaming magagawa, kesa naman pigilan namin ito. Doon na rin pala kasi sila titira. "Naiinis ako kay boss," mahinang sambit ko. Napansin ko naman na napatigil si Penelope sa pagbabasa niya at tumingin sa akin ng matalim. "Ikaw ha! Napapansin ko puro ka na Kuya Matteo!" singhal niya. "Syempre siya lang kasama ko magdamag! Nagsasawa na nga ako sa mukha no'n" pagbibiro ko at nagtawanan kaming dalawa. "Nagsasawa raw! Baka lalo ka nang ma-inlove!" biro ni Penelope sa akin. Ang totoo? I like Matteo. It's a foreign feeling for me at malaki ang posibilidad naman talaga na magustuhan ko siya. Kapag nginingitian niya ako lumalakas ang kabog ng dibdib ko. I like it when he's around and talk to me even if he's so grumpy sometimes. Gustong gusto ko nga rin laging tinititigan ang pagmumukha nito kapag nakakunot ang noo niya. Hindi ko na nga rin pinapasuot 'to ng shades kahit mapilit siya minsan. I love his eyes even if darkness is all he sees. "Hoy! Crush lang naman, at saka hindi naman magkakagusto sa akin iyon. Alam mo naman." "Kasi, maid ka niya? Kaya mabait lang siya sayo dahil niligtas mo siya nung gabing iyon? Bumabawi lang siya sayo, ganon?" sunod-sunod na tanong ni Penelope. Lalo tuloy akong sumimangot sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa sarili. Iyong kilig, iyon sobrang saya, minsan insecure pa ako sa sarili ko kasi bakit ganito ako. "I don't know what to do with you. Basta, support ako sa kung saan ka masaya! At saka mabait naman 'yon si kuya. Baka malay mo diba?" Nagtaas-baba pa ang kilay ni Penelope. Napairap na lang ako sa kanyang sinabi. Ang totoo niyan, hindi naman ako umaasa. Hindi ako umaasa na magkakagusto rin sa akin si Matteo. Hindi ako nag-eexpect ng kung ano sa kanya. I just want this feelings of mine to stay this way. Nothing else. Okay na 'yong ganito. Masaya naman akong nakakasama lang si Matteo. Go with the flow kumbaga. At saka hindi pa naman talaga ako sigurado sa nararamdaman. Baka mamaya hindi naman pala diba? Masaya ako na nababantayan ko si Matteo. I think, he needs me as a friend. Hindi na rin kasi sila masyadong nag-uusap ng mga kaibigan niya dahil ayaw din naman niya makita siya nito at nakaraang buwan pa raw ang huling kita nila ni Uno nung sinundo siya nito sa unit niya at nagkwentuhan sila. Hindi ko na rin naiisip na magiging parte si Matteo ng buhay ko. Siguro oo, bilang ganito lang. Hanggang doon lang. Iniisip ko rin kasi na hindi pwede si Matteo sa akin dahil masyadong magulo ang buhay ko. Baka may mangyari pang masama sa kanya at ako pa ang maging dahilan no'n. I want him to feel safe. "Ano natulala ka na? Magtatapat ka na ba?" Nakangising tanong ni Penelope. Umiling naman ako at bahagyang natawa. "Mawawala rin 'to. At saka, wala akong balak na umamin sa kanya," diretsahan kong sambit. "Really, huh? Imposibleng mawala 'yang nararamdaman mo! You're always with him, twenty-four seven." Natatawa na lang ako sa sinasabi ni Penelope. Wala talaga akong magagawa sa mga sinasabi niya. Parang lahat tamang tama para sa akin. Kilalang kilala niya talaga ako. "Let's make a bet! Isang araw hindi na pagkagusto 'yong nararamdaman mo," she snorted. "Whatever," tanging naisagot ko na lang at napaisip. Paano nga kung hindi na pala pagkagusto 'yong nararamdaman ko? Paano kung iba na? Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko. I think I badly need a distraction. "What are you doing here?" bungad sa akin ni Harrith pagkapasok ko ng Headquarters. Napansin kong halos lahat ng agent ay nandoon dahil puno 'yong lobby ng mga busy sa kani-kanilang ginagawa. After kasi naming mag-usap ni Penelope ay nagpaalam na ako sa kanya at dumiretso ako rito. "Give me a mission," diretsa kong sagot at nameywang pa sa harap niya. Tinaasan naman ako ng kilay ni Harrith at tinalikuran ako. Agad ko naman itong sinundan at pumasok kami sa isang silid. Napalinga ako sa paligid. I missed this place, our office. "Anong mission ang sinasabi mo? Teka nga, magaling ka na ba?" Tiningnan pa ako ni Harrith simula ulo hanggang paa. Kinuha niya ang braso ko at sinipat pa ang harap at likod ko. Naikwento ko rin kasi sa kanila 'yong nangyari sa unit ni Matteo. "Mukha bang hindi? Manghihingi ba ako ng mission kung hindi ko kaya? Iniinsulto mo ba ako?" Napataas naman ng mga kamay si Harrith na para bang sumusuko. Biglang akong tumawa at niyakap si Harrith. "Chill lang, namiss kita!" sambit ko at hinigpitan ang yakap. "Oops! Hindi ako makahinga!" Awat niya sa akin at inilayo sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil. Napapikit ako sa ginawa niya at marahan siyang kinurot sa dibdib. Huling kita ko rito kay Harrith ay 'yong last mission ko pa roon sa bar. Nagtatawagan naman kami pero bihira na lang talaga. "Wait, are you sure? Manghihingi ka ba talaga?" Paninigurado ni Harrith. Tumango na lang ako. Kailangan ko ng mapaglilibangan maliban sa pagiging yaya ni Matteo. I badly need it. I don't want to focus only on my boss. Masama iyon, mahirap na. Marupok ako ngayon. Hindi naman ako ganito dati. Kapag pagdating sa lalaki, deadma lang ako. Pagdating sa kanya para akong nakawala sa kulungan ko. Harrith went to his table and get the folder, and gave it to me. Binuksan ko iyon at nakitang may limang papel na may iba't ibang mukha. Nayakap ko naman si Harrith at humiwalay dito. "Thank you so much!" Natutuwa kong sambit at hinalikan pa ang folder. Napailing na lang si Harrith sa ginawa ko. Ilang taon na ako nagtatrabaho bilang agent s***h assassin at si Harrith na ang naging partner ko. Mas matanda ito sa akin ng anim na taon kaya parang kuya na ang trato ko rito. Isa ito sa pinagkakaabalahan ko na kahit kailan ay hindi ko nagawang sabihin kela Penelope at Jade. Ayaw kong mag-alala sila sa akin at madamay sa mga ginagawa ko. Kaya hangga't maaari ay itatago ko ito para sa kaligtasan nila. Marami na akong nakakalaban at posibleng gumanti ang mga iyon kaya kailangan ko rin talagang mag-ingat. Hindi na mabilang sa daliri ang mga nawala dahil sa karahasan ko. Hindi ko lang talaga mapigilan. Nagugulat din sila Harrith dahil kahit na paghuli lang naman ang kailangan naming gawin ay hindi maiiwasan na may bawian ng buhay dahil sa akin. Siguro dahil sa sobrang gigil kaya ganoon, at isa na roon ang nangyari sa unit ni Matteo. Buti na nga lang kahit minsan ay hindi na naging matanong si boss about doon. Buti na lang hindi nakakakita si boss dahil baka kapag makita nito ang ginawa ko ay baka matakot ito and for sure baka layuan ako no'n. I reviewed again the folder that Harrith gave to me. I need to review this carefully before to the plan at para walang aberya na mangyari. "Can I get some materials?" sambit ko kay Harrith. Um-oo naman ito at binigay sa akin ang susi ng storage room namin. Agad kong pinuntahan iyon at dumiretso sa isang cabinet na napapalibutan ng glass at hinaplos iyon. Namiss ko 'yong mga laman no'n. Tito Steve bought this cabinet for me para sa collections ko ng mga wakazashi. Naglalaman din iyon ng madaming piraso ng simple katana at ilang baril. Kumuha ako ng sampu at binalot iyon sa tela. Kumuha din ako ng isang caliber pistol na baril na may silencer at maraming bala. Nilagay ko rin iyon sa isang box at nilagay sa dala kong attachecase ang aking mga kinuha. Lumabas na agad ako and I saw someone na ilang taon ko ring hindi nakita. Napatunganga naman ako rito. Huling kita ko sa kanya years ago pa. Nangilid naman ang mga luha ko. "Ano? Wala bang yakap diyan?" tanong ni Tito Steve sa akin at ngumiti. Agad ko siyang nilusob ng yakap at suminghot. "Tito! Na-miss kita!" Hinigpitan ko pa ang yakap dito. "Dalaga ka na talaga," aniya. Humiwalay ito sa pagkakayakap ko at ginulo ang buhok ko. Napasimangot naman ako at niyakap ulit siya. "Y-You're back!" Maiyak-iyak kong sambit. "Yes, Ian, I'm back," bulong niya sa akin na mas nagpatulo ng luha ko. He's very important to me. Ito 'yong naging tatay at kuya ko. Iniwanan lang ako nito pagtungtong ko ng 17 dahil marami ito naging mission sa ibang bansa. Siguro kung hindi ako nito nakita at kinuha nung araw na papasok akong bar, ay baka kung saan na ako pinulot ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD