Hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Sumisipol pa ako habang papasok sa office ni Penelope. Wala raw kasi itong meeting kaya pinapapunta ako nito sa office niya. "What's with that happy face?" bungad nito sa akin. Nakaupo si Penelope sa sofa habang kumakain ng cake. "Inaya ako ni Matteo!" natutuwa kong sabi at umupo sa tabi nito. Agad kong sinunggaban 'yong isang plato na may slice ng cake. "Of what? Date? s*x?" Penelope chuckled. I glared at her. "Grabe ka naman sa s*x! Vacation lang!" I answered. Penelope raised her eyebrows at me. "Okay. Parang date na rin 'yon. Kilig ka naman?" "Natuwa lang ako. Akala ko talaga hindi na niya ako papayagan pero pumayag at kasama pa siya. Sabi pa niya magtatagal daw kami roon!" Hindi ko alam pero sobrang saya ng tono ng boses ko. "Nako, diyan

