Agad akong napatayo at tumakbo sa pwesto ni Gavin. Hinablot ko agad ang kamay nung babae. "What the—" "What do you think you're doing, huh?" tanong ko rito at diniinan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya na hawak na ang syringe. Halatang nagulat si Gavin kaya naitulak niya ang babae. "Let go of me!" sigaw nito at pilit na kumawala. Akmang sisipain niya ako nang sapakin ko siya sa mukha. Agad kong kinuha 'yong posas na nasa bulsa ko ikinabit sa kanya. Napatingin ako kay Gavin na hindi pa rin gumagalaw. "What are you doing? Call Harrith!" sigaw ko rito dahil nakatulala pa rin. Nataranta naman siyang kinuha yung phone niya at may tinawagan. Napatingin akong sa babaeng dumugo ang labi dahil sa ginawa ko. Sorry girl. "Nasaan mga kasama mo?" Madiin kong tanong. Nagulat naman ako ng tumawa

