Nagpipigil ako ng tawa dahil kanina pa hindi maipinta ang mukha ni Aria. Ilang linggo rin kaming hindi nagkita dahil hindi na ako pumapasok sa marlboro. Ilang linggo na rin makalipas ang proposal ni Matteo. Lagi lang kami sa text nag-uusap. Ngayon nakipagkita ako sa kanya dahil gusto ko siya makakwentuhan. "Kaya pala ikaw nag-resign! Mag-aasawa ka na pala! Ginisa pa ako ni manager dahil nagtataka siya sa biglang pag-alis mo. Ilang linggo ka ring nawala tapos bigla-bigla kang aalis?" Nakasimangot niyang sambit. Kahapon kasi ay nakipagkita ako kay manager at nagpaalam na hindi na ako babalik sa marlboro. Napag-isipan ko umalis na sa marlboro dahil kay Matteo naman na ako nagtatrabaho at aasikasuhin ko na 'yong ipapatayo kong café. "Sa bahay nila daddy ako nanatili ngayon kaya hindi ako

