"Bakit ba ang blooming mo ngayon? Nagpalit ka lang naman ng hair color eh!" Hinawakan pa ni Aria 'yong buhok ko. "Cigar, boss?" I asked someone. The guy nodded and pointed out the red cigar. Inabot nito sa akin ang bayad at sinuklian ko rin siya. "Well, mas bagay pa rin naman sayo 'yong black. Nakakatakot ka nga sa blonde hair eh!— Thank you sir!" dagdag pa nito habang inaasikaso 'yong customer. "Kailangan sa trabaho. That's why I changed my hair color," sambit ko sa kanya. "Trabaho? Bakit? Nag-apply ka sa iba? Office ba iyan?" tanong niya. Tumango naman ako. "You can apply. Mass hiring naman sila. Maganda benefits, I'll send you the link later." Napangiti naman siya sa sinabi ko at napaisip. "Kung office man 'yan, edi go! At saka dagdag panggastos ko rin iyan no!" Tumango nama

