Kahit first day ko, hindi ako natutuwa. I mean, wala kasi akong tulog! Hindi ako pinatulog ni Colton kakaisip! Pikit lang nagagawa ko tapos wala na! Tapos 6am pa lang umalis na ako ng unit. Mukha pa akong panda. Nakakadalawang basong coffee na nga ako para naman gising na gising. 6:30am pa lang nasa office na ako. Grabe ang aga ko, hindi pa ganoon karami 'yong pumapasok. Pagdating ko roon agad kong tiningnan iyong tablet para tingnan kung may appointment or requests pero malinis at isa lang ang ibig sabihin nito, paperworks! Wala pang binibigay sa akin pero parang gusto ko na tanggihan. Just kidding! Lumipas ang isang oras pero wala pa si Matteo. Iyong babaeng nakabantay sa labas, Lorraine 'yong name. Tinanong pa ako kung may natanggap daw ako na message from Matteo. Wala nga akong numb

