Pura Vida, dusty blue anklet and midnight blue bracelet na nakalagay sa isang small gray box ang naisip kong iregalo kay Matteo. Hindi ko na napaghandaan ang regalo ko dahil maraming ginagawa. Hindi na ako nagkaroon ng time na pumunta ng mall kaya nagpabili na lang ako sa kakilala ko ng Pura Vida sa online. Nakahalf day lang ang buong staffs and employees ng The Gunner Inc. dahil imbitado rin sila. Dahil maraming pupunta ay naisipan na sa WCC ganapin para malaki ang venue at ma-accomodate ang maraming bisita. I'm just wearing my simple spaghetti strap crisscross cut-out blue dress and black pumps. 6pm ang start ng party and it's already 5 o'clock in the afternoon. Nilagay ko na rin sa pouch ko 'yong phone, wallet, at gift ko. Bibitbitin ko na lang 'yong invitation. Nalaman ko rin kay k

