Pagkalabas ng kotse ay agad akong nagtipa ng text message for Penelope. 7pm pa ang last text message niya sa akin na nagsasabing diretso na lang daw ako sa Orly at sabihin sa isang staff na VIP4 ako pupunta. It's nine thirty in the evening at eleven pa nagpapasok ang Orly pero kahit ganoon ay marami nang nag-aabang sa labas. Nakapasok lang ako dahil may reservation sa VIP4. Sinamahan ako ng isang waiter hanggang makarating kami sa fourth floor. Apat na pinto ang mayroon at tinuro niya 'yong pang-apat nag-thank you na lang ako at umalis na 'yong lalaki. Kinuha ko ulit 'yong phone ko at tiningnan kung may reply si Penelope pero wala. Nagdadalawang isip na ako kung kakatok ba ako or hindi. Paano kung importante pala pag-uusapan nila, edi nakaistorbo ako? Mahina akong napamura at napakamot

