Pumasok ako sa banyo humiga ako sa bathtub at pinaandar ko ang gripo gusto ko lang pakalmahin ang aking sarili. Nagulat ako nang biglang pumasok si Nick sa banyo. Nagkatitigan kami bakas sa mukha niya ang sobrang lungkot. Humagulgol na rin ako nang iyak hindi ko mapigilan ang aking sariling 'di umiyak. "Nicole I'm sorry. Alam kong nasaktan kita sana mapatawad mo ako. Alam mo naman kung gaano kita kamahal 'di ba? Ayokong mawala ka sa akin. Gusto ko kahit kasal na kami ni Katrina ay nandito ka pa rin sa tabi ko." Seryosong wika ni Nick. "Ang selfish mo Nick! Gusto mo ikaw na lang lagi? paano naman ako Nick? Araw-araw na lang ba akong umiiyak? akala mo ba madali sa akin na makita kayong magkasamang matulog sa iisang kuwarto ni Katrina? Samantalang ako ay mag-isa nasa kabilang kuwarto! Um

