Pagdating ni Jake sa bar ay hinawakan niya ang kamay ko, para alalayang tumayo gusto niya akong ihatid ng bahay. "Nicole lasing ka na ihatid na kita." Saad ni Jake sa akin pero, hindi ako nakinig sa kanya. Mas gusto kong tumira dito sa bar kesa makita ang dalawa. "Saan mo ako ihatid Jake?" Tanong ko sa kanya habang umiinom ng wine. Binawi niya ang baso dahil ayaw niyang uminom pa ako. Pero makulit ako at kinuha ko ang baso sa kanya. "Sa bahay ni Nick Saan pa ba? Saka alam kong nag-alala na iyon sa 'yo. Tama na 'yan Nicole ayokong maglasing ka." Dagdag pa niyang sabi. "Hindi na 'yon nag-alala sa akin. Masaya na siya kay Katrina. Ang gusto ko ngayon ay kalimutan siya. Gusto kong burahin si Nick sa mundo ko. Pagod na pagod na ang puso kong alagaan siya. Pero wala man lang siyang pakialam

