"Makulong ka Jake sa ginawa mo sa akin. Hindi ka ba nag-iisip sinisira mo ang buhay mo dahil sa kagustuhang pakasalan ka nang babaeng hindi ka mahal? Wala ka nang pagkaiba kay Katrina Jake. Parehong-pareho kayo nang ugali. Gawin ang lahat para lang makuha ang hindi naman para sa inyo. Hindi mo ba nakita si Katrina kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon? Nasira ang career niya at hindi na siya puwedeng mag-artista dahil walang tumatanggap sa kanya. Hindi na ba gumana ang mga utak ninyo." Wika ni Nick kay Jake. Sa galit ni Jake ay hinampas niya ang binti ni Nick nang baseball bat. Sumigaw si Nick sa sobrang sakit. Nang akmang hampasin pa sana ni Jake si Nick ay biglang dumating si Katrina. Galit na galit itong makitang sinaktan ni Jake si Nick. Nakita niyang namilipit si Nick sa sakit.

