"Katrina umalis ka na sa bahay may mga pulis papunta na sila diyan. I'm sure na ikaw ang kanilang suspect sa pagkawala ni Nick." saad ni Jake sa cellphone. "Jake, saan ka ba ngayon? Anong gusto mo magtago ako? Saan ako puwedeng magtago? At bakit ako lang? Tayong dalawa ang gumawa tapos ako lang ang suspect?" Wika ni Katrina, hindi niya matanggap na siya lang ang tugisin ng mga police. Samantalang dalawa sila ni Jake ang kumidnap kay Nick. "Basta kahit anong mangyari 'wag kang umuwi ng bahay." kung ayaw mong makulong." "Bakit hindi ka umuwi dito at tulungan mo akong mag-explain sa mga pulis. Ayokong magtago ayokong habang buhay na magtago. Tutal ikaw naman ang may utak nang lahat 'di ba? idea mo ang kidnapin si Nick. Tapos ngayon ako lang ang tugisin nang lahat. Umuwi ka rito Jake a

