"Sino ka ba sa akala mo Katrina? Ikaw ba ang may-ari nang pilipinas? Huwag na huwag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sa tulad mong walang kuwenta! Kaya ka ba nagalit dahil kahit minsan ay hindi ka minahal ni Nick? At totoo ba ang sinabi niya sa akin na kahit minsan ay hindi kayo natulog na magkatabi sa kama? At fake ang kasal ninyong dalawa?" Natatawang saad ko sa kanya . Lumaki ang mga mata ni Katrina hindi niya pala alam na fake ang kasal nila ni Nick. "Fake? Sinong nagsabi sa 'yo? Ang kapal ng mukha mong mag-imbento nang tsismis Nicole! Ganyan ka na ba ka dispirada at ka-insecure sa akin? Parang malaman mo totoong pari ang nagkasal sa amin! Kasuhan kita Nicole, dahil nagkaroon kayo ng anak ni Nick. Karapatan ko bilang asawa niya ang mag-file nang kaso laban sa 'yo dahil na

