"Nicole maawa ka sa akin please. . . Kahit isang segundo ay hindi tumigil ang puso kong mahalin ka." Nagulat ako nang lumuhod si Nick sa harapan ko at hinawakan niya ang aking kamay. Ayokong tingnan ang kanyang mga mata dahil ayokong maawa sa kanya. "Nick, tumayo ka na, kahit halikan mo pa ang paa ko ay hindi pa rin ako babalik sa 'yo. Hindi ganoon kadali ang hiningi mo sa akin Nick. Ang buhay ko ngayon ay para lang sa anak ko at sa mga magulang ko. Ako na ang namahala sa company ng parents ko. Kung noon ay iniwan ko sila nang dahil sa 'yo. Kasi noon priority kita eh. Nakalimutan kong meron pa akong mga magulang kasi ikaw ang mahalaga sa akin. Mas pinili kong alagaan kita 'di ba? Pero lahat nang ginagawa ko sa iyo noon ay balewala lang sa iyo!" Sumbat ko sa kanya pero nanatiling naka

