Nag-order na ako ng wine at Hard drink ang kinuha ko para mabilis lang akong matamaan. Nakailang baso pa nga lang ako ay umiikot na ang aking paningin. May lumapit sa akin na tatlong lalaki at umupo sila sa aking table. Ang akala nang mga ito ay lasing na ako. "Hi, miss beautiful. Share na lang tayo ng table. Nakita kasi naming mag-isa ka lang. Baka gusto mo nang kausap." "Ayoko nang kausap gusto kong mag-isa kung puwede lang." "Suplada porket maganda ka? Mga pare meron na tayong pulutan mamaya. Gawin natin itong sisig tamang-tama uhaw na uhaw ako." Wika nang isa pa niyang kasama. Sa aking galit ay kumuha ako nang wine at binuhusan ko ang mukha ng nambastos sa akin. Galit na galit siyang tumayo hinatak niya ako pero mabilis kong nahawakan ang bote at hinampas ko sa kanyang ulo.

