"Nicole ganyan ka ba ka maalaga kay Nick? bakit pati iyan ikaw ang gumagawa? Puwede kaming kumuha ng tagaayos ng mga gamit niya. Ngayon lang 'yan bukas hindi na ikaw ang mag-asikaso niyan." "Katrina bakit ka ba nagkaganyan? 'di ba buntis ka? Iwasan mo ang nakasimangot baka kamukha ng nguso mo si baby. Pagsisihan pa niya na ikaw ang naging ina niya balang araw. Bakit hindi mo subukang magpakabait kahit isang taon lang hanggang sa manganak ka." Saad ko kay Katrina mas lalong nagalit siya dahil sa mga sinasabi ko. "Ang kapal ng mukha mo Nicole! Dinamay mo pa ang anak ko? Isusumbong kita kay Nick!" bulyaw niya sa akin pero nakangiti lang ako wala akong pakialam sa mga sasabihin ni Katrina ngayon pa na alam kong mahal ako ni Nick. Nagulat ako nang umiyak si Katrina at sinampal-sampal pa

