Ch 19: The Clash

2395 Words
Dahil na rin sa hectic ng schedule ni Maddi, hindi na naman siya nakakauwi ng condo ni Jef. Kapag kausap niya ito ay madalas saglit lang dahil pareho silang busy. (I'll call you back hon, pinapatawag na kami.) "Sure. I love --"-Naputol na ang linya ni Jef kaya naputol na rin ang dapat na sasabihin ni Maddi rito.   *ring ring ring "Hello Natz?" (Hi Maddi, where are you? Can we meet today?)-Natalie "Sure, I'm still here in my class. Lunch out nalang tayo." (Ah, magpapasama lang sana ako sayo sa ospital.) "Ganun ba? Saan ospital ba? Para ba sa internship mo na?" (Ah, eh. Oo sana. If pwede ka? Busy kasi sina Reign at Ingrid eh.) Halata sa boses ng kaibigan ang pagaalala kaya kahit pa busy rin siya ay pumayag na rin ito.   "Are you sure you're okay Natz? Kanina ka pa parang balisa eh."-Pagaalala naman ni Maddi sa kaibigan. "O-okay lang ako. Tara na?" Pumasok na sila sa ospital na pinapasukan din ni Jef nagpunta ang dalawa. Pero nagtaka si Maddi ng hindi sila nagpunta ng office ng ospital kundi sa oby-gyne. "Natz? May problema ka ba sa menstration mo?"-Takang tanong pa ni Maddi rito. "Maddi, I need to tell you something."-Tila lumungkot naman ang tugon ni Natalie sa kanya.   Wala ng imik si Maddi dahil sinusubukan niyang mag-sink in sa isip niya ang mga sinabi ni Natalie. Nag-positive ang pregnancy test ni Natalie kaya nagdesisyon na itong magpa-check up. Dahil sa takot na rin ni Natalie sa nangyari, naglakas loob na siyang magpasama sa mga kaibigan niya ngunit si Maddi lang ang pupwedeng samahan siya ngayon. "Natalie, what's going on? Are you really -- pregnant?"-Katatapos lang ng check up ni Natalie at iniintay na lamang niya ang results. Lumabas muna sila ng clinic at pumuwesto sa garden para makapagusap. "Ye - yes Maddi.."-Nagsimula naman kaagad bumuhos ang luha ni Natalie na kanina pa niya pinipigilan. Niyakap naman din kaagad siya ni Maddi. "Shh Natalie.."-Kinakalma ni Maddi ang kaibigan habang yakap-yakap ito. "It will be alright. Sino na bang nakakaalam nito?" "Wa - wala pa. Ikaw palang." "Eh yung daddy niyan? Teka? Sino ba ang ama niyan?" Hinarap ni Natalie si Maddi kahit humihikbi ito. "Si - si Vince." "Si Vince?! Are you serious?! Akala ko ba childhood besties lang kayo? Nagde-date na pala kayo?"-Magkabigla din ni Maddi sa nalaman. "Oo nga. But - it was just an accident. Isang beses lang talaga Maddi. I never expected na - na magbubunga pala." "When will you gonna tell him?" "I don't know Madz. If I should tell him, for sure he won't accept his job offer to U.S. And, I don't want to ruin his life because of this." "Natalie, you're carrying his child! Dapat nga pakasalan ka na niya!" "I love him, Maddi. But I know na makakasagabal lang kami sa pangarap niya sa buhay. And for sure, my mom and dad won't gonna accept this. You know naman na magkalabang mortal ang mga pamilya namin. For sure, hindi sila papayag."-Lalong naiyak si Natalie sa mga sinabi niya kay Maddi. "This is all my fault! Minahal ko kasi siya kahit hindi pwede!" "Shh tama na Natz. Walang mali kung nagmahal ka. At lalong hindi mali ang pagdating ng baby mo. Wag mo siyang isipin bilang isang kasalanan." "I don't know what to do Madz."-Niyakap na lamang mabuti ni Maddi si Natalie habang umiiyak. Napaisip na rin si Maddi sa sitwasyon ng kaibigan. Gusto niya itong tulungan ngunit hindi niya pa alam kung papaano. Nakatanaw na lamang si Maddi sa malayo ngunit sa hindi inaasahan, nahagip ng paningin niya ang pamilyar na tao. Si Jef. May kasama itong babae at mukha hindi nurse kagaya niya dahil nakapang-civilian ang damit. Hindi niya rin kilala kung sino ito. Sinundan niya ng tingin ang dalawa habang naglalakad sa hallway patungong exit ng ospital. Hinirap si Jef ng babaeng kasama niya at hindi malaman ni Maddi kung anong nadarama ng biglang may kung anong kirot sa kanyang dibdib ng yakapin nito si Jef. Hindi naman niya magawang iwan ang kaibigan kaya hinayaan na lamang niya ito. Umalis na ang babae at napahilamos ng mukha si Jef at naglakad na pabalik sa loob ng ospital. Matapos samahan ni Maddi si Natalie, nagpaiwan na lamang si Maddi sa ospital at pinauwi na si Natalie para makapagpahinga. Nakiusap rin ito sa kanya na huwag munang ipapaalam kahit kanino ang sitwasyon niya. Tinawagan ni Maddi si Jef para kitain ito pero nasa operating room ito ngayon kaya nagpasya na lamang siyang umuwi ng condo ni Jef. Diretso na si Maddi sa kwarto para makapagpalit ng makita niya mukhang hindi na naayos ni Jef ang kama nito. Inayos niya ito ngunit kulang ng isang unan. Hinanap na niya muna ang unan at nakita nga niya ito sa sofa. Magkakuha niya ay may nakita siyang blazer na pang babae sa ilalim. Nagtaka naman siya dahil wala naman siyang ganitong damit. Tinabi na lamang ni Maddi ang damit at nagpatuloy sa pagaayos at linis ng condo. Katatapos lang niyang magluto ng dumating na si Jef. "You should have told me."-Matapos yakapin at halikan si Maddi ng makita ito. "I was about to but you were at the operting room. Kaya dumiretso na ko dito." "I miss you so much. "-At siniin naman ni Jef si Maddi ng halik at hindi naman nakapalag ang dalaga sa ginawa nito. *ring ring ring Narinig ni Maddi ang pagtunog ng phone ni Jef pero hindi natigil si Jef sa paghalik sa kanya. Gusto na sana niyang awatin si Jef pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya kaya binalewala na rin niya ang tawag. Hanggang sa napaupo na sila Maddi at Jef sa sofa habang naghahalikan pa rin. Napahiga na si Maddi pero yapos pa rin siya ni Jef. "Jef?" Parehong natigil sina Jef at Maddi at napatingin kung saan ito nangmula. "Janice?! Wha - what are you doing here?!"-Tila hindi malaman ni Jef ang gagawin sa pagkagulat. Tila lahat nga sila ay nagulat ng makita ang bawat isa. Si Janice na hindi inaasahang narito na pala si Maddi at naaktuhan pa ang make out nila ni Jef. Si Jef na hindi malaman kung ano gagawin o sasabihin. Ni hindi niya malaman kung sinong uunahina paliwanagan. At si Maddi na walang kaide-ideya sa mga nangyayari. Lalo na kung sino ang babaeng biglang nakapasok ng condo ni Jef at mukhang kilala nila ang isa't isa. Bumangon sina Jef at Maddi ngunit nanatiling tahimik si Maddi. "Ah, Maddi.."-Hindi malaman ni Jef kung papaano ipakikilala si Janice na nasa harapan nila ngayon. "Janice. I'm Janice.."-Inabot ni Janice ang kamay kay Maddi at napatingin lang si Maddi sa kamay niya. Napatingin naman din si Maddi kay Jef, at si Jef ay hindi malaman kung papaano maililihis ang tingin sa girlfriend niya. "Maddi.."-Pagabot na ni Maddi ng kamay niya kay Janice. Siya pala si Janice. Sa isip-isip ni Maddi, tila unti-unit ng nabubuo ang mga bagay. Mula sa pagtawag nito kay Jef, napagtanto rin ni Maddi na baka si Janice din ang kayakapan nito at ang blazer na naiwan pa sa condo. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ni Maddi ngunit pinapanatili niyang kalmado lang ang sarili. "I'm - I'm sorry. Hindi ko alam narito siya."-Saad pa ni Janice. "So kapag wala ba ako rito, doon ka pumupunta?"-Hindi napigilan ni Maddi ang sinabi. Hindi niya rin inaasahang masabi iyon. "No Maddi, it's not like that!"-Depensa naman ni Jef. "Maddi nalang, hindi na hon? Kasi kaharap siya?"-Pagsita pa ni Maddi kay Jef. "No Mad - hon. Please, listen to me."-Hindi naman malaman ni Jef kung papaano sisimulan ang pagpapaliwanag kay Maddi. "Siya pala yung Janice na tumatawag-tawag sayo, I thought nurse din sa ospital. Tell me, sa kanya ka rin ba dumu-duty kapag tinatawagan ka niya?"-Halata na sa boses ni Maddi na gusto na niyang maiyak. "Hon, please listen to me. It's not what you think."-Pagpapakalma pa ni Jef kay Maddi. "Oo! Dahil una naman talagang naging akin si Jef! Palihim kaming nagkikita dahil ayaw niyang malaman mo ang tungkol sa amin. Na nagbalik na ang first love niya. At ako yun!"-Biglang singit ni Janice at tuluyang bumuhos ang mga luha ni Maddi. Dismayado itong napatingin kay Jef at tila nagiintay pa ng paliwanag ng nobyo. "Hon, wala kaming relasyon ni Janice. Hindi kami nagkabalikan. You're the one I love now."-Tila nangungusap namang paliwanag pa ni Jef. "Ganun nalang yun Jef? Paano yung nangyari sa atin kagabi?!"-Dagdag pa ni Janice Tila nahulog at nabasag ang puso ni Maddi sa mga narinig. Bumuhos ang mga luha niya at tila nabibingi na siya. "Hon, no! It's not like that. Janice, stop this! You know it's not true."-Natataranta naman si Jef sa pagpapaliwanag kay Maddi. "Then what is true Jef?! Tell me!"-Halos basag na ang boses ni Maddi sa sakit na nadarama niya ngayon. Hinawakan ni Jef ang magkabilang braso ni Maddi at hinarap ito sa kanya. "Maddi, hon, nothing happened between me and Janice. Yes, she's been here last night but I drove her home."-Halos naiiyak na rin si Jef sa mga nangyayari. "You know what, I don't really care what's happening between the two of you. What it hurts me most ay nililihim mo ang tungkol sa kanya. Ang sa inyo! Bakit Jef? Bakit?!"-Pumiglas namang si Maddi sa mga hawak ni Jef. "He doesn't need you anymore, Maddi. I'm already here and I won't leave again."-Pagmamaldita pa rin ni Janice para guluhin ang pagiisip ni Maddi, at ngayon tila pati ang relasyon nilang dalawa ni Jef. "Kung totoo nga ang sinasabi mo, bakit mo kailangang itago sa akin? Yung point na tino-tolerate mo ang pagkikita niyo, it's already cheating, Jef."-Kinuha ni Maddi ang bag niya at kaagad na umalis ng condo kahit pa todo ang paghikbi niya sa iyak. "Maddi no! Wait!"-Paghabol pa ni Jef pero hinawakan siya ni Janice. "Jef, let her go! Good thing she knew it all."-Pagpigil pa ni Janice rito. "Shut up Janice! I love her and not you anymore. Please leave us alone."-Inalis ni Jef ang pagkakahawak ni Janice at papalabas na ng pinto para habulin si Maddi ngunit -- "Jef! Ugh!"-Biglang napaluhod si Janice at napahawak ng ulo nito. Napatigil si Jef sa pagtakbo at napatingin kay Janice na nakaupo na sa sahig. "Janice!" "Help me Jef." . . . Sa kabilang banda, nanakbo naman si Maddi papalabas ng condo kahit pa hagulgol na umiiyak ito. Wala siyang pakialam sa kung sinong nakakasalubong at nakakakita sa kanya. Gusto na niyang makaalis roon. Nanakbo si Maddi sa kalsada, ngunit dahil sa pag-iyak niya panlalabo ang paningin niya kaya hindi niya napansin ang paparating na kotse at nasilaw siya sa liwanag na mula rito. "Aahhh!!!"-Pagsigaw ni Maddi ngunit bago pa man siya mabangga ay mabilis na nakapagpreno ang kotse ngunit napaupo si Maddi sa tapat ng kotse. "Miss? Miss? Buhay ka pa ba?!"-Paglabas ng lalaki sa kotse. "What happened, Lance?"-Paglabas pa ng isang lalaki na mas nakapustura. "Miss? Okay ka lang ba? Dadalahin ka namin sa ospital."-Paglapit ng Lance kay Maddi. "No. It's okay. I'm fine."-Pag-insist ni Maddi at tinulungan na lamang siyang tumayo ng Lance. "Miss, are you alright? We will take you to the hospital."-Saad pa ng nakapusturang lalaki. "I'm fine." "Sir Khalil, okay lang daw siya. Wag na daw." "What?"-Khalil "Ahm, sir, she said she's okay. No need to worry!"-Kampante namang sagot ng driver ni Khalil. "If you don't want to go to the hospital, let us take you home. I insist."-Dagdag pa ni Khalil Sa unang pagkakataon ay nakita ni Maddi ang mukhang foreiner na kausap niya. Pumayag na rin si Maddi na magpahatid ngunit hindi sa dorm niya o sa bahay nila. "Malapit na kami. Thanks Grid."-Tinawagan ni Maddi si Ingrid at pinaalam nito na sa kanila siya muna tutuloy. Magpapaliwanag na lamang siya pagkadating sa kanila. "Dito ka ba nakatira miss?"-Tanong ni Lance na katabi si Maddi sa kotse. Mag-isa namang nakaupo si Khalil sa likuran ng sasakyan. . . . "Maddi! Omg what happened to you?!"-Pagbukas palang ng gate ni Ingrid ay bumungad na si Maddi rito. "I'll explain later, Grid."-Tila walang buhay namang sagot lang ni Maddi sa kaibigan. "So, this is where you live, Ms. Mosetta."-Halos mapabalikwas si Ingrid sa boses na narinig. "You?!"-Tila natutulala naman si Ingrid sa nakita. "Sila yung naghatid sa akin dito."-Saad pa ni Maddi. "Hi miss Ingrid!"-Pagsingit ni Lance. "Kilala mo sila?"-Pagtuon ni Maddi kay Ingrid. "Ah, eh oo. Siya yung sinasabi kong si Mr. Kaur na may-ari ng Kaur Highlands. Yung condo building ni Jef."-Paliwanag pa ni Ingrid na tila hindi malaman ang gagawin. "I haven't thank you yet sir. Thanks for taking me here."-Pagtugon naman ni Maddi kay Khalil. "No, we should apologies on what Lance did to you. He almost hit you by my car."-Tiningnan naman ng masama ni Khalil si Lance at mukhang na-gets na nito ang amo. "Ah, opo. Sorry po talaga miss --"-Pagpapaumanhin pa ni Lance kay Maddi. "Maddi nalang." "Miss Maddi. I'm sorry talaga." "It's okay. It was also my fault. Tumawid din kasi ako." "Ah, Maddi pasok ka na. Ako ng bahala dito."-Saad naman na ni Ingrid. Nagpaalaman naman na sila at nauna na ngang pumasok ng bahay nila Ingrid si Maddi. "Ah, sir, I'll wait you in the car."-At iniwan naman na nga ni Lance sina Khalil at Ingrid sa tapat ng gate nito. "So this was your house, huh?"-Panimula ni Khalil kay Ingrid. "Uh-hah? And so?!" "Well, why you never want me to take you home?" "Because you don't have to."-Tila sarcastic namang tugon ni Ingrid sa binate. "You don't even have a car at all. Such a clever girl." "Apakayabang talaga!"-Pagtitimpi ni Ingrid "What did you say?" "Nothing! Good night!"-Mag-walk out na sana si Ingrid papasok ng bahay nila ngunit hinatak pa siya ni Khalil. "Enebe?!" "I'll pick you up at 8 in the morning. You can't refuse."-Seryosong tugon naman ni Khalil rito. "Wow? Demanding?" "I have a flight going to Ilocos tomorrow, you need a coverage of my business life right? So, you'll come with me."-Tila paguutos na saad nito kay Ingrid. "Eh kung ayoko?" Nag-smirk naman ito bago sumagot. "Hmm, you can't refuse, Miss Mosetta. See you." Napabuntong hininga na lamang si Ingrid sa yabang nito. Sa isip-isip niya, kung hindi lang para sa project niya, hindi naman talaga niya kailangan kausapin, kilalanin at samahan ang mayaman pero hambog na business man na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD