"Maddi? Hindi ka ba papasok?"-Paggising ni Ingrid kay Maddi na natutulog katabi niya.
"Mamaya nalang."-Walang ganang sagot naman ni Maddi.
Buong gabing umiyak lang si Maddi sa harap ni Ingrid. Naikwento na rin niya sa kaibigan ang lahat ng nangyari at dinamayan naman siya nito.
"Magluluto na ko ng almusal, bumaba ka nalang ah?"-Sabay bangon na ni Ingrid at iniwan na si Maddi na nakahiga padapa pa sa kama.
Wala roon ang mama ni Ingrid dahil nagbakasyon sa probinsiya kaya solo niya ang bahay. May trabaho pa si Ingrid kaya hindi na nakasama rito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Maddi sa mga nangyari kagabi. Tila napakabilis lang. Panay text at tawag si Jef sa kanya pero pinatay na niya ang phone niya.
Muling pumatak ang mga luha niya dahil nami-miss na niya si Jef kahit hindi niya aminin. Ngunit, nasasaktan din siya sa ginawa nito sa kanya.
Hindi niya akalaing magagawa ito ni Jef sa kanya. Buong akala niya ay tapat ito sa kanya kagaya ng pagiging tapat niya rito.
Bumangon siya sa pagkakahiga at pumaupo sa kama. Nagpunas ng luha niya pero halata pa rin ang pagkamugto ng mga mata niya sa pagiyak kagabi.
Kinuha ang phone niya at binuksan na niya ito. Biglang nagdatingan ang mga text messages sa kanya at lahat ay galing kay Jef.
Binasa niya ito at naiyak na naman siya ulit.
(Hon, please talk to me.)
(Answer me please.)
(I'm really sorry, let me explain.)
Ilan lamang yan sa mga text messages ni Jef kay Maddi. Binasa lahat ito ni Maddi pero hindi naman niya nagawang mag-response dito. Iyak na lamang ang ginawa niya.
Ngayon lang siya nakadama ng ganitong sakit. Hindi niya akalaing mararamdaman niya ito, at hindi niya alam ang gagawin na.
"Maddi..."-Pagtawag ni Ingrid sa kanya mula sa bungad ng pintuan. Kaagad naman siya nagpunas ng luha. "Madz, tahan na. Kalmahin mo sarili mo."
Pero matuloy pa rin ito sa pagiyak. Nilapitan na ni Ingrid si Maddi at niyakap ito mula sa likuran niya.
"Everything will be okay, Maddi. Just stay strong."
"I don't know what to do, Ingrid."-Patuloy pa rin si Maddi sa pag-iyak.
"Eh bakit hindi mo siya kausapin? I think, you have to listen to his explainations. Tao lang din yun, nagkakamali."
.
.
.
Sinubukan tawagan na ni Maddi si Jef, pero hindi naman ito sumasagot. Hindi naman na muling tinawagan pa ni Maddi si Jef. Pero lumipas ang buong araw ay wala ng kahit isang text o tawag mula kay Jef.
Hinayaan na ni Maddi dahil gusto niya rin munang mapagisa. Pero sa totoo lang ay nami-miss na niya ang binata at nagaalala na rin siya dahil ilang araw ng walang paramdam pa mula rito.
Tinext na ito ni Maddi na gusto na niyang makipagusap, pero tila gumuho ang mundo niya ng mabasa ang reply nito sa kanya.
(I'm happy with Janice now. Hope you'd move on too.)
Ang mga simpleng salita nito ang tuluyang nakapagwasak ng puso ni Maddi.
"Grabe naman yang Jef na yan?! Ganun ganun nalang yun?!"-Tila high blood namang saad ni Ingrid habang nakapamewang pa sa harap ng mga kaibigan na tila galit na galit.
"Nako talaga! Wag siyang magpapakita sa akin, kundi!!!"-Pagkuyom pa ni Reign ng kamao niya sa galit din ng malaman ang nangyari kay Maddi.
"Guys, kalma lang kayo. Hindi kayo nakakatulong kay Maddi eh."-Yakap-yakap naman ni Natalie si Maddi na walang humpay sa pag-iyak.
"Eh ano naman?! Nakakapang-init ng dugo eh! Alam mo yun? Ang bait-bait, ang ganda-ganda at mahal na mahal naman siya ni Maddi. Tapos ano?! Bumalik lang yung ex niya, binalikan na rin niya yun?! Nasaan ang hustisiya?! Nasaan?!"-Halos nagwawalang saad ni Reign.
"Tumpak! Ipapatokhang ko talaga yan eh. Dalawa sila!"-Bulyaw pa ni Ingrid
"Guys, sabi ng kalma lang kayo. Hindi madadaan ang lahat sa init ng mga ulo."-Pagpapakalma naman ni Natalie sa kanila.
"I'm so - sorry guys. Wala na kasi akong mapagsabihan eh. Hindi ko namang magawang masabi kina mama kasi ayoko silang magalala pa."-Pilit na saad ni Maddi kahit humihikbi siya sa pag-iyak.
"Pero sa totoo lang, parang may mali eh. If Jef really said that, for sure he will explain it to you. Di ba sabi mo, tina-try ka pa nga niya kontakin after you walked away? Then, all of the sudden he stopped?"-Paliwanag pa ni Natalie
"Nako! Pakyeme niya lang yun! Kunwari habol-habol, tapos napagod na kaya tumigil!"-Reign
"Bakit hindi natin siya puntahan?"-Ingrid
Tila napagtanto ni Maddi ang mga sinabi ng mga kaibigan niya. Gustuhin man niyang kumalma, pero nahihirapan siya. Hindi niya lubos maisip na iiwan na lamang siya ni Jef ng ganun lang.
Sa lahat man ng pinakitang effort at pagmamahal sa kanya nito, hindi maisip kung bakit bigla na lang ba ito nagbago. Minahal nga ba talaga siya nito?
"Sigurado ka Lance?"
(Yes miss Ingrid.)
"Sige, salamat."-Kausap ni Ingrid sa phone ang kanang kamay ng may-ari ng Kaur Highlands na condo building na tinutuluyan ni Jef.
"Anong sabi?"-Pagusisa pa ni Natalie
"Ilang araw na daw si Jef hindi umuuwi sa condo."-Sagot naman ni Ingrid na tila nagtataka.
"Ano? Nasaan daw? Umalis na ba siya dun?"-Reign
"Wala naman daw abiso. Hindi nalang daw umuwi isang araw matapos may isinugod sa ospital daw?"-Dagdag pa ni Ingrid.
Lahat naman ang tatlo ay napatingin kay Maddi.
Hindi malaman ni Maddi pero si Janice lang naman ang kasama ni Jef nung mga panahon na yun. Tila may hindi nga tama sa mga nangyayari.
.
.
.
Nagtungo si Maddi at Reign sa ospital upang abangan sana si Jef roon. Nagbakasali na rin silang malaman kung anong nangyari dito.
"Si Jef ba? Teka? Ikaw ang girlfriend niya di ba?"-Co-nurse ni Jef ospital.
"Oo, siya nga. So, pwede ba naming malaman kung nasaan si Jef?"-Reign
"Ewan? Nung isang gabi may sinugod siyang babae ritong walang malay. Pero - hindi ikaw yun eh."-Pagturo nito kay Maddi. "Tapos simula nun, nagpaalam na siyang hindi na makakapag-duty. Hindi nga siya pinayagan eh. Kaso hindi na lamang siya pumasok. Nag-awol nalang siyang bigla."
Mas maraming tanong ngayon ang nabubuo sa isip ni Maddi.
Anong dahilan ni Jef?
Bakit sinugod si Janice sa ospital?
At nasaan na kaya ito ngayon?
.
.
.
Minabuti na ni Maddi na puntahan ang lola Julie ni Jef. Tila hindi naman maipinta ang tuwa nito ng makitang muli si Maddi.
"Jusko apo ko, Maddi!"-Pagyakap nito kay Maddi na halos maiyak.
"Pasensya na po lola kung hindi ko kayo madalaw rito palagi."
"Ayos lang apo. Kamusta ka naman?"
"Lola.."-Naupo silang dalawa sa sofa. "Alam niyo po ba kung nasaan na si Jef?"
Tila hindi naman malaman ni lola Julie ang sasabihin. Bakas rin dito ang kalungkutan.
"Apo, wag ka sanang magalit kay Jef. Mahal na mahal ka niya, naniniwala ako doon. Ngunit, kailangan niyang umalis."-Paliwanag naman ni lola Julie nab akas din ang lungkot sa tinig nito.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Nasaan po siya nagpunta?"-Tila nagugulumihanang mga tanong ni Maddi.
"Nasa Canada na siya ngayon apo, kasama si Janice."
"Ano po?!"-Halos maiyak na naman si Maddi sa nalaman.
"May sakit si Janice. At sa pagkakaalam ko, malala na ang Leukemia niya. Kaya siya nagpunta noon sa Canada para magpagaling. Hindi ko nga akalaing nagbalik na pala siya. Kailangan na niyang bumalik ng Canada dahil hindi maganda ang kondisyon niya rito."
"At sumama na si Jef sa kanya?"-At tuluyang bumuhos ang mga luha ni Maddi.
"Hindi ganoon, Maddi. Jef has no choice. Hindi kayang bumalik ng Canada ni Janice na mag-isa. Pero nagbilin si Jef bago umalis."-Paghawi pa ni lola Julie sa buhok ni Maddi. "Mahal na mahal ka daw niya at sana daw mapatawad mo siya. Hindi man daw niya masigurado ang pagbalik niya, pero ikaw lang daw ang mahal niya."
Lalo umiyak si Maddi at tila naibsan ang sakit na nadarama.
Marahil nga kailangan ni Jef samahan si Janice sa ibang bansa, sapat na sa kanya na malamang mahal siya ng binata.
Malungkot man si Maddi pero sinusubukan niyang maging malakas. Lalo ngayong alam niya hindi naman talaga gusto nitong umalis at iwan siya.
Mahal na mahal niya pa rin si Jef, at naniniwala siyang magbabalik ito sa kanya.