Pinilit kong maglakad ng maayos kagabi at halos lahat na ata nang napanood ko sa media ay ginaya ko na para makapaglakad lang nang hindi parang lasing ngayon. Kinuha ko ang dress na ibinigay sa akin ni Ande. Formal ito ngunit medyo kita nga lang ulit ang aking dibdib. "Parang lahat ata ng damit ni Ande ay puro labas ang dibdib?" Nag-iinarte pa akong bigyan pansin ang aking katawan mula sa formal peach maxi dress na may slit muli sa gitna. Nu'ng binasa ko kasi ang wedding invitation ay saktong-sakto iyon sa theme. Naka-ready na rin ako at ang mga damit na dadalhin ko. Mabuti na nga lang at ibinigay sa akin ni Ma'am Ericka ang talent fee ko. Nanghingi rin siya sa akin ng pasensiya sa nangyari. "Ma'am Cleo, naka ready na rin po ang sasakyan rito sa baba, Ma'am." Tawag iyon sa akin mula

