Nang makababa kami sa eroplano ay masama na talaga ang timpla ng mukha niya. Siguro dahil sa ginawa ko kanina. “Hindi po ba kayo kakain ng breakfast?” tanong ko. Kape lang naman ang inumagahan niya. Hindi naman iyon nakakabusog. “Good morning, Hugo Hampton…” bati ng lalaki malaki ang katawan at nakipagkamayan kay boss. Matapos niyang makipagkamayan ay napatingin naman ito sa akin. Para siyang gulat na gulat na makita ako saka niya tinignan si Hugo na may tanong. Alam ko… Nakakagulat talaga na may dalang magandang babae si Boss Hugo. “Good morning, Sir. Cleofaith Mandrid from Hampton Group,” pagpapakilala ko. Kinamayan niya rin ako kahit pansin ko pa rin ang tanong sa mga mata niya. Baka nagtataka siya dahil bakit babae ang kasama ni Hugo o hindi naman kaya bakit hindi si Ma’am An

