Pansin ko ang gulat ko sa kaniyang mukha nang ipakilala ko ang sarili ko sa aming kaharap na lalaki. “My name is Cleofaith, Hugo’s wife.” Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit parang hindi naman niya ako niyaya na magpanggap ako bilang asawa niya. “You really want to surprise me, Hugo! Come here!” lumapit ang lalaki kay boss Hugo at agad na sinuntok-suntok ang braso nito. “You have good taste, my friend!” tingin niya pa sa akin at agad na pinagtuunan ng pansin si Hugo. “Hi! Are you Chin?” Nagulat ako nang may lumapit sa akin na babae at agad na inabot sa akin ang isang bulaklak. Sandali naman nang abutin ko ang kaniyang ibinigay. “I’m not Chin, sorry…” Kumurap ang mata niyang tignan ako na para bang nagbibiro ako. “You must be! You’re Hugo’s wife, right?” kumurap-kurap ako dahil ang

