Kumabog ang aking dibdib. Pinipilit kong mag-isip ng maayos. Ngunit sa tuwing naalala ko ang kaniyang sinabi ay para akong nababaliw. “P-pwede ba ako mag-cr?” tanong ko kay Hugo. Nag-iinit ang katawan ko sa totoo lang. “Sasamahan kita-” “Kaya ko, H-hugo. Ako na ang bahala.” Pansin ko kung paano niya gustong sumama sa akin pero pinigilan ko siya sa pagtayo. Hinawakan ko ang kaniyang braso at umiling. Tumalikod ako sa kaniya at agad na lumayo. Malaki ang bahay na ito nang hawakan ko ang ibang mga dekorasyon. “Akala ko ba ay magbabanyo ka?” napatingin ako sa aking likod nang makita ko siyang nakatayo. Hawak-hawak niya ang kaniyang baso na may lamang alak. “O-oo nga…” “Kung gano’n ay bakit narito ka? Huwag mong sabihin na dito ka iihi?” nanlaki ang mata ko, dahil hindi ko akala

