Suot-suot ko ang isa sa mga nabili kong damit. Isang sikat na cartoon na daga na may ribbon sa ulo. Ang pang ibaba ko naman ay isang maong shorts na binigay sa akin ni Ande. Paglabas ko ay nakaayos na rin siya. Nakasuot lamang siya ng t-shirt na kulay abo at isang jogger pants na kulay itim. Nang makita ko ang alaga niyang bakat na bakat sa kaniyang suot ay napanguso ako. “Ang pangit ng pants mo.” Iyon agad ang lumabas sa bunganga ko. Hindi ko alam kung ano ang point ko kung bakit ko iyon nasabi. Tumaas lamang ang kilay nitong tignan ako. “Pakialam mo? Ang pangit rin ng shorts mo.” Turo niya pa sa aking pang ibabang saplot. Minsan ay naiisip ko kung bakit ganito ang turingan naming sa isa’t-isa? Samantalang boss ko siya. “Hindi talaga bagay sa ‘yo, Sir. Magpalit ka.” Tungo-tungo ko p

