“N-nagtatrabaho siya?” “Yeah…” sunod niyang sabi sa akin nang tumungo-tungo na lamang ako. Minsan ay napapaisip na ako sa mga nangyayari. Sinubukan kong mag-focus sa aking pagkain, dahil babayaran ko naman ‘to. Pasulyap-sulyap ako kay Sir Samuel kung tumingin. Tinitignan ko lamang kung ano ang magiging reaksyon niya sa akin. Ngunit nang maisip kong may mali na talaga ay saka ko siya diniretso. “Bakit kayo sumama sa akin? H-hindi naman sa pag-aano… pero kasi, hindi naman po tayo close, hindi ba?” Ayon kasi ang tumatakbo sa isip ko kanina pa. Maaring dahl kaibigan niya si Hugo, pero hindi naman niya ako kaibigan. At isa pa ay kahit sino ay hindi sasamahan ang hamak na secretary lamang ng kaibigan niya. “Masama ba? Sabi mo ay nagugutom ka,” ani nito. Hindi naman kasi iyon ang poin

