CHAPTER 13 PART 3

1063 Words

“Bakit ka nagugutom sa daan?” tanong nito sa akin nang maglakad kami ng sabay. May kung ano sa aking puso na masaya siyang makita at kampante naman ako. “Napagod rin po kasi ako sa byahe at hindi pa po ako nakakain… kaya-” “Kaya gutom ka na?” Natahimik ako nang kaunti nang makuha niya ang isasagot ko dapat. Nakatingin lamang ako sa daan nang hindi ko alam kung sasabihin ko bang sumama siya sa akin sa nakikita kong pagkainan, dahil sakto lamang ang pera ko na pang sa akin lamang. Wala naman akong maililibre sa kaniya. “You’re with?” “With my Boss.” Tumungo naman siya sa aking sagot. Ang alam ko kay kakilala niya si Hugo. “Galing kayong Taiwan?” umawang ang labi ko nang alam niya rin kung saan kami nagpunta bago kami makarating rito. “O-opo? Bakit alam niyo po?” “I just know…”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD