“Wow!” Hindi ako makapaniwala sa ganda ng Palawan. Kumurap-kurap pa ako kung totoong ganito ba ito kaganda. “You like it?” Umangat ang tingin ko kay Hugo nang tanungin niya iyon. Hindi ba halata sa mukha ko na gustong-gusto ko rito? Halos lahat ng mga napapanigipan ko ay kahawig ng lugar na ito. “Sobra! Ang ganda! Tignan mo!” Turo-turo ko pa sa isang magandang bahay. “Kaninong bahay kaya ‘yan?” Nguso ko pang tanong habang naglalakad nang dahan-dahan dahil hindi naman nagmamadali si Hugo. Pansin na pansin ko mula rito ang mga ibon na animo’y malayang lumilipad sa langit. “Kaya pala gusto mo rito…” “I don’t like it here. My wife does.” “Ah…” Tinikom ko na lang muli ang aking bibig, dahil lahat pala nang pupuntahan naming ay gusto ng asawa niya. Kaya nang makahinto kami sa

