Agad kong itinakip ang tray na aking hawak sa mukha. Napapikit ako bigla at nag-isip… Bakit siya narito? Kaya ba wala siya kanina? “Miss Cleo? Hello?” napatingin ako sa gilid ko nang makita ko ang lalaking nanghingi sa akin kanina ng alak. “Are you good?” tanong pa nito sa akin nang tignan ko siya. Natatakot akong makita ako ni boss Hugo. Alam ko naman na nakita niya na ako! Ano pa ang silbi nito? Ibinaba ko ang tray na nakaharang sa aking mukha at agad na ngumiti sa kanilang lahat. “K-kayo po, Sir? Baka gusto niyo tikman ang bangis ng Aparador Light?” itinago ko ang aking kaba nang tanungin ko ang ilang kasama ng lalaki sa mesa. Ngunit ang titig ng isa ay para na akong ikinukulong sa aparador at pinupokpok ng aparador. “Hugo? Ikaw?” tanong ng isang lalaking mahaba ang buhok at

