“Nakakainis ka talaga!” kumunot ang kaniyang noo at agad na sumimangot. “Ano ba ‘yon?” tanong ko nang makita ko siyang nakanguso pa. “Nakakainis ka! Mas lalo kang gumaganda kapag inaayusan!” pinagmasdan ko ang aking mukha na kaniyang inayusan. “Ginawan na nga kita ng setcard.” Medyo lumaki ang butas ng ilong ko nang marinig ko ang sinabi niya. Ano naman ang ibig sabihin ng setcard? “Para saan ‘yon?” “Well, picture ‘yon na naka-grid. Ayon ‘yung tinitignan nila bago nila i-gosee or i-approved ‘yung isang model or brand ambassador.” Naningkit pa ang mata ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niyang gosee-gosee. “Saka alam mo ba? Pasok ka na! paano naman kasi… matangkad ka, maputi, maganda! Class S ka nga, e!” umiling ako at umiwas ng tingin. “Ande, wala akong ma-gets, ha? Pase

