“Next time, try to read the contract, Cleo.” Lumunok lamang ako sa kaniyang sinabi at agad na kinuha ang papel. Tila hinabol ko iyon, dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang nakasulat doon. “Since you signed this contract… take off your t-shirt,” utos niya na aking ikinabigla. Mariin kong tinakpan ang aking dibdib kahit na may suot ako ng damit. “P-po?” “See? That’s what I’m talking about!” Masyado akong nadala sa seventy-thousand! Ano ang magagawa ko? “Paano kung ang nakasulat sa papel ay kailangan mo akong paligayahin?” ngumuso ako at tumungo. “Masyado lang pong nanginang ang mata ko sa presyong ibinigay niyo po sa akin.” Pumikit siya sa aking sinabi at agad na umiling. “You should know how to read contracts effectively, Cleo!” malakas ang kaniyang boses. Mukhang galit sa aking

