Nakatulala lamang ako buong gabi. Halos ang utak ko ay natakbo lamang sa mga naaalala ko mula sa aking panaginip. Nakahiga ang aking katawan sa kama. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Hugo, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ilang alaala. “Kailangan ko makita ang ilang libro at diary ng asawa ni Hugo,” mahina kong sambit sa aking sarili. Sinubukan kong tumayo ngunit sakit ng ulo lamang ang aking natamo. Nagpahinga ako saglit at habang pinipilit kong isipin ang mga ala-ala ko ay may nakikita akong ibang mukha. Ang gulo… Naguguluhan ako… “You awake?” Minulat ko ang aking mga matang punan ng tingin si Hugo na may hawak-hawak na tray. Naroon ang ilang pagkain at tubig, saka niya iyon inilagay sa gilid ng aking hinihigaan. “I found you… on the floor,” wika nito nang him

