“That’s weird…” Ano ang sinasabi niyang weird? Tinignan niya ako mula sa aking mga mata. Nakaupo siya aking gilid, habang si Hugo naman ay naka-cross ang dalawang braso at nakatingin sa akin. “Talaga bang noong sumakit ang ulo mo ay wala kang naalala?” Kanina niya pa ako pinipilit na tanungin kung ano ang mga naaalala ko. Wala naman akong isasagot d’yan, dahil ko ano ba ang maaalala ko? Kapag sinabi ko na nakita ko si Hugo at Samuel at ang ala-ala ng asawa ni Hugo ay sasabihan akong baliw, gano’n? “Ang sabi mo ay sumakit ang ulo mo ng dalawang beses-” “Tatlo,” pagtatama ni Hugo. Pumikit ang mata ni Rica. “Usually kapag ganitong headache, pagkawala ng malay. Sa nangyari sa kaniya ay dapat mayroon siyang maalala.” Dumapo ang tingin ko sa doctor na babae. “Maari ba kitang kausapin sa

