Si Samuel? Iyong nasa panaginip ko? “S-sasabihin ko na sa iyo ang totoo. Nanaginip ako nang ilang beses at kahit hindi ako tulog kapag may nahahawakan akong bagay ay may napasok sa isip ko.” Umayos ang upo niya sa narinig. “Ano ang mga nakita mo?” “Iyong… iyong asawa ni Hugo? Huwag mo sana itong sabihin sa kaniya. Nakita ko kasi ang diary ng asawa niya, kaya nabasa ko. Hindi ko naman akalain na mapapanigipan ko-“ “That’s not a dream, Cleo.” Kumunot ang noo ko. “Alam ko! Baka kakabasa ko ay nakita ko ang mga nangyari sa-“ “Hindi natin ito kailangan na ungkatin agad. Kasi alam mo naman ang nangyayari sa ‘yo sa tuwing may naalala ka. This time, kailangan lang natin siya hayaan na may maalala ka.” Bumigat ang aking dibdib. Palagay ko ay may hindi tamang nangyayari ngayon. “Sabihi

