BALISA man si Alexandra pagkakita niya kay Lea ay pinakitunguhan niya ito nang maayos. Hindi siya nagpahalata na may kutob na siyang iba. ""Ninang!"" Magiliw siyang nakipagbeso sa kaniyang pangalawang ina. At nang dumako siya sa kaniyang ina ay ang bagay na nasa kaniyang leeg ang napansin nito. ""Akala ko nawala na ito sa'yo! Hindi ko na kasi nakikita, eh."" Hinawakan ni Kathy ang kwintas na nasa kaniyang leeg. ""Nasa akin pa rin, mom! Bigay mo ito kaya iniingatan ko."" Iyon ang sinabi ni Alexandra. Pero ang katotohanan ay kakabalik lang ng kwintas sa kaniyang mga kamay. Buti na lang talaga naibalik ni Lawrence sa kaniya bago pa hinanap ng ina. Sa kabilang banda ay maluwag na tinanggap sa kanilang pamamahay sa Rancho Villaruiz si Lawrence. Pinaupo ito sa sala at nang magtipon sila a

