HINDI TALAGA nagkamali si Alexandra. Nang malaman ng ama na natagpuan na nila ang kweba ay mabilis itong umuwi ng Rancho Villaruiz. Kabilang ang ama niya sa mga sumundo sa kanila sa kweba at tumulong upang makalabas sila roon. Kumikirot ang pagkab*bae niya pero dahil nandiyan ang kaniyang ama ay sinikap niyang kumilos ng tuwid at umaktong parang walang nangyari kagabi. ""Ayos ka lang?"" pasimpleng tanong ni Lawrence sa kaniya. ""Hindi, babe. Kinakaya ko lang!"" tugon niya. ""Sabi ko na sa'yo, eh. Nag-round two ka pa kasi!"" sisi niya rito. Ilang saglit pa ay nagkaayaan na silang umalis sa lugar na iyon para umuwi na. Mabuti na lang at iisang kabayo lang ang gagamitin nila ni Lawrence. Si Lawrence ang mangangabayo at siya ay nakasakay lang sa likod. Iyong mga gamit nila ay ang mga tauh

